“About the letter, I still can't believe that you are my daughter. It was too late to discover because your mom kept it to me.” Umiyak lang ng umiyak si Chanylle sa harapan ng totoong ama. “Can I hug my daughter?” maluha-luhang pakiusap ni Vergel sa anak. Tila Isang dramatic scene ang nagaganap sa gitna ng sala na kinaroroonan nila. “I’m really sorry kasi hindi ko nagampanan ang pagiging ama ko sayo. Forgive me. Hindi ko mamadaliing tanggapin mo ako bilang ama mo because I know it's not easy for you. Iba ang ama na nakagisnan mo at alam ko na nasa kanya ang pagmamahal mo bilang isang anak.” “Its not your fault, at tinatanggap ko na lahat.” Marahang pinahid ni Vergel ang luhaang mga mata ng anak. Lumapit si Rita sa mag-ama at nakiyakap. Samantalang si Roger ay tahimik lang na nag

