“How's your night with Mr. Bueño?” Ang madilim na anyo ng mukha ni Roger ang sumalubong sa paningin ng dalaga nang mga sandaling nagmulat siya ng mga mata. Mabilis niyang sinuri ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Mr. Bueño kagabi. Ngayon ay nasa loob na siya ng kwartong kulay asul. Malawak at mabango, kasing-amoy ni Roger ang kwartong iyon. Kaya alam ng dalaga na wala siya ngayon sa sarili niyang bahay. Kung ganoon, ano na kaya ang totoong nangyari sa kanya kagabi? Paano siya nailigtas ni Roger sa masamang si Mr. Bueño. “Si Mr. Bueño?” sa halip ay tanong niya. Gusto niyang malaman kung may nakahuli ba sa matanda. “I can't believe you, Ms. Mendez. Muntik ka nang gahasain ng matandang iyon, siya pa rin ang hinahanap mo?” Nagyuko ng tingin ang dalaga. Namisinterpret lam

