"Hi!" nag-angat siya ng ulo nang marinig ang boses ni Mason. Naupo ito sa kaibayong upuan niya. "What are you doing?"
"Studying, what else?" muli niyang ibinalik ang ulo sa binabasa. Pangalawang beses na niyang inulit basahin ang limang chapters ng aralin niya kaya sigurado siyang kabisado na niya iyon.
"Ang sungit naman!" pero hindi niya ito pinansin. Ang totoo, ilang beses na itong nag-message sa kanya at marami na din itong missed calls. Isa lang ang sagot niya sa paulit-ulit na tanong nito kung nasaan na siya: 'Library'.
Kaya ngayon, nakaupo na sa harapan niya ang makulit na binata.
"Did you know how many times I called and texted you?" tanong nito.
"I know. But you know very well that I have a lot of things to do that I have to finish today, right?" Wala talaga siyang oras sa distraction kaya naman hindi siya pumayag sa suggestion nito na maging sila ulit para malayo siya sa mga lalaking umaaligid sa kanya. She can handle those guys and besides, her bodyguards are just out there, in case something happened. Kaya hindi siya nag-aalala sa mga iyon.
"Mag-date tayo." Kulit pa nito
"Don't like," kumuha siya ng ballpen at nagsimulang mag-sulat bago isinarado ang hawak na libro at kumuha ng isa pa.
"Sige na. Ilang buwan na tayong hindi lumalabas." Pilit pa nito.
Inis na tinignan niya ito. "Ang kulit mo talaga. Isusumbong kita kay Tito Lex! Don't you have anything else to do?"
Nakangiting umiling ito, showing his dimples. She rolled her eyes. Ginagamitan na naman siya nito ng charm as if namang magpapadala siya doon. "I finished it all. Parang hindi mo naman ako kilala."
Alam naman niyang si Mason ang klase ng estudyante na hindi nagka-cramming sa pag-aaral. Kahit pa gaano ito ka-busy sa trabaho, eskwela at pagiging ama ng kambal, nagagawa pa rin nito lahat ng projects at nakakapag-aral nang maayos. Feeling tuloy niya, may superpowers ito na inililihim lang sa kanya.
"Come on, let's eat out. Mamaya pa naman ang next class natin." Hindi pa rin ito sumusuko.
"Kumain na ako," inginuso niya ang bag. "I am full."
Agad namang kinuha ni Mason ang bag niya at tinignan ang laman niyon. Isang tetra pack ng juice na di pa nabubuksan at isang sandwich na hindi man lang nangalahati.
"This will not do. And how can you say that you're already full eh didn't even finish eating the sandwich!" inagaw nito ang hawak niyang libro kaya kunot ang noo niyang tumingin dito. "You are going to eat proper food with me, Louise, and you are not allowed to say no," inimis na nito ang mga libro na nasa lamesa bago pa siya makapag-salita. "Don't try to say no because I will not allow it. You know how much I hate it when you don't eat your food. Keep your things."
Nagdadabog na ipinasok niya sa bag ang mga gamit at tumayo. Kahit na ano kasi pa ang tangging gawin niya ay hindi siya mananalo dito. One time, he even told her father about it and she was scolded. Ayaw niyang mangyari muli iyon dahil baka bigla siyang pauwiin ng tatay niya sa Italya.
"Ang payat payat mo na nga, hindi ka pa kumakain ng tama. Hindi na ako magtataka kung maging buto't balat ka na lang!" Litanya pa nito.
Hindi niya kinuha ang nakalahad na kamay nito upang maalalayan siya. Inunahan pa niyang mag-lakad! "Oo na nga, kaya nga sumama, di ba? Hurry up because I don't want to waste any time!"
Ang totoo ay wala naman siyang kailangang madaliin pa sa pag-aaral. Lahat naman ng assignments niya, pati thesis, nagagawa niya ng maaga at mabilis. Napakadali ng pag-aaral pero dahil nga may goal siya, kailangang mas lalo pa niya iyong pag-igihan.
"Sa canteen na lang tayo dahil ayokong maipit sa traffic," sabi niya dito na nagkibit balikat lang naman. "Tinawagan mo na ba ang kambal?"
"Yup! Tumawag ka na pala kanina?" tumango siya. "They are missing you, Louise. Kailan ka ulit pupunta sa bahay?"
"This weekend, perhaps. I was just busy because of my projects but now, I have time to spare with them." Sobrang miss na din kasi niya ang kambal. Hindi siya sanay na hindi nakikita ang mga ito at ang dalawang linggo na naririnig lang niya ang boses ng mga ito ay naiiyak na siya.
Pagpasok sa canteen, naghanap sila ng pwestong mauupuan at nakakita sila sa isang sulok na kababakante lang. Buti na lang, nalinis agad iyon.
"Anything you want to eat in particular?" tanong ni Mason sa kanya nang maibaba nito ang mga librong dala sa lamesa.
"You know what I want, so please choose for me," hinanap niya ang libro na inagaw nito kanina sa kanya.
Napailing na lang ito nang makita ang ginawa niya. "I'll just get the food."
Tumango lang siya ngunit hindi nag-angat ng tingin. Kumuha siya ng pang-highlight mula sa bag at sinimulang basahin ang hawak na libro.
"Louise!" napangiti siya nang malingunan si Violet. Napatayo siya nang makitang hindi ito magkanda-tututo sa pagdadala ng gamit at kinuha mula dito ang ilang dala. "Thanks."
"What are these?" inilapag niya iyon sa lamesa at inaya itong maupo sa tabi niya.
"Projects ng ibang estudyante," nakangiting sagot nito.
Nakaramdam siya ng habag dito. Violet came from a very poor family. The girl was just lucky to be in their university because of the scholarship that she received when she graduated valedictorian from her school. Ang pag-gawa nito ng projects ng ibang estudyante ay para matustusan ang araw araw ng panggastos nito sa eskwela.
"I really hate you whenever you are looking at me like that," malamig ang boses na sabi nito.
Napatuwid siya ng upo at inilayo ang tingin mula dito. "I am sorry, Letlet. I cannot help it." Muli niyang ibinalik ang tingin dito. "Tapos na ako sa mga assignments natin, tutulungan na lang kita diyan."
Kaklase niya sa dalawang subjects lang si Violet dahil mag-kaiba sila ng course pero hindi naging hadlang iyon para maging magka-ibigan silang dalawa. Matalino at masipag din kasi ito kaya nagkakasundo sila.
"Huwag na, kaya ko naman. Natapos ko na rin naman ang mga assignments ko, so ito na lang talaga ang gagawin ko," inilabas nito ang isang monay na ewan niya kung may palaman at tubig na nasa lalagyan ng coke na tinanggal lang ang nakapalibot na plastik doon. "Pasensya na at dito ako makikigulo sa iyo ha. Kasama mo si Mason?"
Tumango siya. Hindi pa nagkakakilala ang dalawa malibang sa ikinukuwento niya dito ang dating nobyo. "Hindi na dapat ako magla-lunch pero pinilit ako eh, kaysa naman mabwisit ako, sumama na lang ako para tapos na ang usapan."
"Ang swerte mo, may kaibigan kang ganoon," ngumiti ito sa kanya at hinarap ang hawak na bond paper. "Magsusulat lang ako, kain lang kayo, ha. Isipin nyo na lang, wala ako dito."
Napangiti siya at tinitigan ang kaibigang nakatungo. Maganda ito kahit na sabihin pang naka-salamin at di pala-ayos, parang si Ynah. Bigla niyang na-miss ang kaibigan na nasa ibang bansa dahil naka-kuha ito ng scholarship doon. Kung kailan naman siya bumalik ng bansa, doon naman ito umalis.
Napansin niya ang suot na t-shirt ni Violet. Kupas na asul iyon at may kalakihan dito. Pati ang pantalon nito, nakikita niyang may mga sira na sa ilang parte na pagkakamalan mong design lang kung hindi mo masyadong pagkakatitigan. Ang sapatos nito ay isang itim na rubber shoes na araw araw niyang nakikitang gamit nito.
"Nga pala, Letlet, samahan mo akong mag-shopping bukas......"
Nag-angat ito ng mukha sabay iling. "Pasensya naman, Louise. Marami akong tatapusin, eh." At itinaas ang hawak. "Kailangan ko pang i-type itong isusulat at mga isinulat ko sa computer."
Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito. "That's great! Tamang tama, I am alone in the house. Doon ka na matulog para matapos mo iyan. You can use my desktop and printer. We're friends, right, so we should help each other. Kung sa akin siguro nangyari iyan, for sure, tutulungan mo din ako, di ba?"
"Hindi mo naman kailangan ang tulong. You are better off doing everything on your own," sabi nito. "And I know what you want to do, Lou. Gusto mo akong bigyan ng mga damit mo dahil tumanggi akong samahan kang mag-shopping."
"Mali ba na gusto kong gawin iyon sa kaibigan ko?" talagang ipinarinig niya ang pagtatampo dito.
"Lou alam mo namang...."
"Hindi kita kina-aawaan o ano man, Let. I have lots of clothes that I can't even wear so kaysa sa iba mapunta, sa iyo ko na lang ibibigay. And besides, halos magkasing-katawan naman tayo. Mamimili lang tayo ng mga hindi masyadong mahabang damit." Inabot niya ang kamay nito na may hawak na ballpen. "Please don't take it the wrong way."
Bumuntong-hininga at ipinatong sa ibabaw ng kamay niya ang isang kamay nito. "Alam ko naman na gusto mong tumulong kaso alam mo naman kung saan ako nanggagaling, di ba?"
"Gusto ko lang naman na di masayang ang mga damit na binili ni Mommy kaya ino-offer ko sa iyo," sabi pa niya dito sa pagnanais na mahikayat ito.
"Bakit hindi mo siya sabihan na marami ka nang damit at nasasayang lang dahil hindi mo naisusuot?" tanong nito sa kanya habang nagsusulat.
"You think I didn't try? She thought that I don't have time to shop for myself, which is partly true. Kaya kapag bumibisita siya sa amin ni Kuya, pinakamababa na ang two sets of clothes ang dala niya. Set means from head to toe," natatawang kuwento niya sa kaibigan.
What she likes about Violet, hindi niya nakikita dito na naiinggit sa kanya. And she's not pretending to be someone else.
How she wished that they can become friends for long.