Nagising ako kinabukasan na sobrang tindi ng sakit ng ulo at nahihilo pa. Kahit pa na nahihirapan ako ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa banyo ng bahay nila Osang. Bumaliktad kasi ang sikmura ko sobrang tindi ng hangover. Lason ata ang ininom namin kagabi. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil sa hilo. “Tangina ang sakit ng ulo ko!!” reklamo kong sabi. Nasabunutan ko ang sariling buhok dahil sa matinding pag t***k ng ulo ko. Damang dama ko ang init dala ng alak sa katawan ko. Naubos ang lakas ko sa loob ng banyo. Pati ata ang utak ko ay naisuka ko na. “Hoy gago mag punas ka ng mukha,” utos ni Osang sa akin at hinagisan ako ng bimpo. “Ano ba yan masyado kang magugulatin,” Pinunasan ko naman ang basang basa ko mukha ng bimpo hinagis niya. “Ano kaya mo pa ba?’ tanong pa ni

