“Cheska gumising ka na at lalabas na natin si Madi.” Kumakatok ito sa pinto. Nakarinig siya ng mahinang katok at tawag sa tapat ng pinto ng kwarto niya. “Gising ka na ba?” tanong pa ng kanyang ina. “Opo, Ma.” maagap na sagot niya na antok pa. Naupo na muna siya sa ibabaw ng bed. Kahit pa na antok na antok siya ay bumangon agad siya para palitan ng bagong diaper at damit si Madi— ganun ang routine nila tuwing umaga. Simula kasi ng umakyat na sila sa kwarto ginigising na siya ng ina sa umaga to get Madi. “Bilisan mo, sumunod ka na sa baba.” sabi pa ng Mama niya. Narinig ko ang hakbang pa alis malamang ay bumaba na ulit siya. Kumuha na ako ng mga kailangan ko to change her up. Damit na presko, new diaper at baby wipes sabay pinalitan ko na rin ang medyas niya at ang supot ng kamay niy

