Na gising si Cheska ng umagang iyon— nakita niya kung anong oras na halos patanghali na pala masyadong napasarap ang kanyang tulog marahil ay sa pagod at medyo late na rin siyang umuwi pero hindi naman siya sumabay sa mga kaibigan na nag-iinom bawal naman kasing magpuyat ang buntis. Kasama niya na umuwi ang Mama niya at si Lota kagabi actually hinatid kami ng girlfriend ng pinsan niya kaya less hassle. Pagbaba ni Cheska sa kusina nandoon ang kanyang ina kasama ang kanyang bunsong kapatid na nakayuko sa lamesa. Kunot ang noo niyang tiningnan ito. “Anong nangyari d’yan Ma?” tanong niya sa ina na abala sa kung anong ginagawa. “Puyat na puyat,” bumaling muna ng tingin si Mama sa akin ng sandali. Mas lalong nagtaka si Cheska sa naging sagot ng ina niya. “Anong ginawa niya?” tanong niya pa

