My friends asked me kung meron na akong dress na gagamitin for graduation. Syempre wala pa kasi busy pa ako sa pag tapos ng OJT hours ko. Mas naisip ko pa rin ang mga kailangan baka ma stress ako at magkaroon pa ng problema sa graduation day ko. Yung akala mo graduate ka ‘yon pala hindi. Sad! Pati si mama nagtatanong na rin at nanghihingi ng details about graduation. Wala ka pa naman akong details na maibigay kasi lahat pa ata ng 4th year abala pa sa pagtapos ng mga requirements. “Cheska!” Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. I saw Tep and Ed. Lumakad sila palapit sa akin. “Bakla! Kamusta?” bungad na tanong ni Tep sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Mukha ba akong hindi okay?” balik tanong ko sa kanya. Na tawa naman si Ed sa akin. “Syempre mas goods pa rin na tanungin kita

