Chapter 34- Nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko. Kahit na kakamulat ko pa lang ng mata ay bumangon na ako patakbo sa ibaba sa banyo. Ang sama talaga ng sikmura ko. Nawalan ako ng lakas. Nahihilo rin ako. Ano ba ang nangyari sa akin. Nag hilamos ako ng mukha tsaka lumabas ng banyo para kumuha ng maiinom na tubig. Nakatingin lang siya sa akin na may tanong sa mata. Maging ako may tanong din kung bakit ako nagkaganito. “Uminom ka na naman ba?” tanong ni mama sa akin. Masama ang mga tingin ni mama sa akin. “Hindi po mama. Masama lang talaga ang pakiramdam ko parang nalamigan lang ang sikmura ko.” sagot ko. Matagal na rin akong walang inom dahil hindi na ako nag sasama kila kalbo at hindi rin nag-aaya sila Osang. No more walwal days. Mas gusto ko pa matulog at kuma

