Sa lahat. Mas minabuti niya na matapos ang lahat sa ganun na paraan dahil kung naghahabol pa siya at pinilit ang sarili kay Miguel para lang mabigyan ng buong pamilya ang anak ay wag na lang. Disconnecting to people gives her emotional damage and trauma. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin si Cheska na ibalik ang tiwala sa kanyang sarili kung paano ito ulit mamahalin dahil sa mga desisyon niyang nagmamadali. Nagtiwala agad siya at binigay ang lahat nalimutan na ang sarili. “Tinatanong kita Cheska?” ulit ng Mama niya sa tanong kanina. Maging ang mga kaibigan niya ay nakikinig at nag-aabang ng sagot mula sa kanya. Hindi niya mahanap ang sagot sa tanong niya. “Mahal mo pa ba ang lalaking iyon?” mas nagulat siya sa sumunod na tanong ng ng tita niya kapatid iyon ng kanyang Mama.

