Pumunta nga si Miguel sa bahay para sunduin lang ako sa hindi malamang dahilan kaya magkasama na kami. Mula kanina sa bahay hindi ako nagsasalita para kausapin siya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina, mula umaga hanggang hapon wala siyang kahit anong message. Hindi ko alam kung anong ginawa niya ng mga oras na wala siyang paramdam. Pagiging paranoid ko ay lumalabas ng wala sa oras. Pinangako ko na sa aking sarili na susubukan kong wag ng maghinala. Alisin sa isip ang ginawa ni Miguel dahil ginawa niya ang pangakong babawi at gagawin ang lahat para unti-unting maibalik ang tiwala ko sa kanya. Alam kong ramdam niya na hindi ako nagsasalita. Pero sa totoo lang masaya ako ng makita ko siya kanina na nasa baba nakaupo at hinihintay ako. Feeling ko ang ganda ko lalo! Naiinis pa rin ako

