Makauwi sila sa bahay agad na sumalubong sa kanila si Lota—- tumatakbo pa ito. Kay Papa siya lumapit dahil si Papa ang may karga kay Madi. Kinukulit niya si Papa na makita si Madi. “Patingin ako Pa!” demand niya kay Papa na nagpapababa para masilip niya si Madi na kalong. “Mamaya na Carlota,” sabi ni Mama tsaka pa lang siya tumigil sa pangungulit kay Papa. “Maghugas ka muna ng kamay mo!” utos sa kanya nito. Bumaling siya ng tingin kay Mama. “Ang tagal niyo naman umuwi.” reklamo niya pa sa amin. “Nandito na kami nagrereklamo ka pa.” sagot ni Mama bago siya lagpasan at lumakad papasok sa kusina. “Hugas muna kamay.” ulit ni Mama sa utos niya kay Lota. Agad na tumakbo papasok sa kusina si Lota malamang ay maghugas ‘yon ng kamay. Gusto niya kasi lagi siyang kasama ang kaso bawal nama

