I Dumaan pa ang isang maghapon nalulungkot ako— tinatanong ang sarili na worth it ba ako? Anong mali sa akin at nararamdaman ko ang pambabaliwa ng taong mahalaga para sa akin. Ang dali para sa kanya. Sad gorl na naman ako! Masakit kung iisipin lalo pa’t ngayon na nararamdaman ko na. Nag message na siya sa akin pero yung tipo na nagmamadali lang. Walang laman na reply mula sa kaniya. Ganito rin ang naramdaman ko ng may ibang babae pala siyang kina kausap— nahuli ko na may kahalikan. Ayokong isipin na mauulit na naman kasi hindi lang doble ang sakit sa aking dibdib. Triple na ito. Buo ako pero siya mismo ang dumudurog sa akin. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko pa siya mamahalin? Naiyak lang ako ng mabasa ko ang message niya. Hindi ko naabutan na naka online ilang minutes pa lang w

