Sa pagpapatuloy ng buhay ni Cheska bilang single mother na umaasa pa rin sa mga magulang na tumutulong sa kanya. Hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Lahat ay kailangan niya na matuto upang alagaan ang kanyang anak. Sa tulong ng ina at ama niya ay kahit paano ay nabawasan ang kanyang gampanin dahil pa tuloy na nakagabang at nakasubabay ang mga ito sa kanya. Sinasamahan niya sa tuwing may check-up si Madi sa health center ng barangay nila. Sa dami at paulit-ulit ng mga bilin ng ina na kailangan niyang gawin hanggang sa naging routine na niya ‘yon. Sa umaga ay kailangan na ilabas para magpa-araw maganda raw iyon sa bata— madalas ang ina na niya ang gumagawa dahil sa umaga paghawak ng ina niya si Madi tsaka siya naglilinis ng kwarto, nagbaba ng mga basura at lahat ng kailangan niyang

