TASK 2: Meet The Boss

1117 Words
TASK 2: Meet The Boss "Maj, get me a new maid." "Baka may makuha pa ako?" Sarkastikong sagot naman ni Maj sa kaniyang bestfriend s***h alaga na si Nico Ciriaco. Ganito na lang kasi lagi. Simula ng dumating ang anak ng alaga niya, humirap lalo ang buhay niya bilang isang managerng osang sikat na Aktor. Maski siya napipilitang alagaan ang bata. "Please, Maj. I'm begging you. Walang magbabantay sa batang yun. Kung pumayag ka lang kasi na iwan si Alice sa ampunan.." "Anak mo siya Nico!" Hindi nakasalita ang aktor. Anak nya nga ang batang tinutukoy niya pero hindi nya kayang alagaan ito lalo na't hindi niya ito inaasahan. Nagawa lang ang bata sa pagkakamali nya sa isang model. Hindi naman niya kagad nalamang may naanakan siya, basta isang gabi na lang may kumatok sa pintuan at iniwan ang walang kamuwang muwang na tatlong taong gulang sa harap ng pinto ng flat in Nico kasama ang isang kahon na naglalaman ng katibayang totoong anak niya ang bata. "Bago pa umalis yung maid mo nagbilin na siya two days ago na aalis na siya. I tried to get another maid from the agency but no one wants to accept the offer. Pero nagawan ko na ng paraan." Napahilot ng batok si Manager Maj. "Salamat Maj." "Oo na. Umalis ka na at malelate ka na sa shoot mo." "Minsan na sabi ko sa sarili kong Life Saver ka pero Maj, papatayin mo ako sa mga projects! Kakauwi ko lang kahapon galing US." "Kabayaran yan sa lahat ng sakit sa ulong ginawa mo." Napailing na lang si Nico sa kaniyang kaibigan at manager. "Makaalis na nga." Nagkaingitian ang magkaibigan bago tuluyang umalis si Nico sa office ni Maj. Buti na lang talaga at may tumawag na kay Maj kagabi para maging katulong. Humiling siya na sana tumagal na yung maid this time. __ Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang building. Kinakabahan ako. Kagabi kasi napag-isipan kong baka trap ito at isang sindikato. Pero sa nakikita kong building.. Mukhang pang mayaman. "Hi po! Dito po ba yung MJ Entertainment?" Tanong ko sa guard. "Oo. Papasok ka ba? Kailangan ng ID." "Opo." Nilabas ko yung SSS card ko. Oh diba? First time gamitin! Sabi sa text ni Maj nasa 2nd floor daw yung office nya. Stairs na lang ako. "What? What happen?" May lalaking gwapong pababa ng hagdan. May kausap sya sa phone at nagmamadali. Iiwas sana ako kaso lang doon sa pinag-iwasan ko sya pumunta. Tumabi ako tapos dun din sya tapos tumabi uli ako, dun din sya. "What are you doing?! Can't you see I'm in a hurry?" I almost jumped in fear. Ba'y gwapo nga highblood naman. "Sorry." Oopps! American accent ang pagkakasabi ko. Hindi naman niya napansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba na galit na galit sa kausap niya sa phone. Whatever! Nakarating na ako sa tapat ng office ni Sir Maj. Kakatok sana ako ng may lumabas na gwapong lalaki na naman. Wow! This place is full of handsome guys. "Yes Miss?" Tanong ni guy. Para siyang kumikinang sa paningin ko. "Nothing, I need to ta---" Opps! Tagalog nga diba Kyra? "Ahh, ano po. Si Sir Maj po nandyan?" "Maj? He's inside. Pasok ka na lang." He opened the door for me. I nodded at him as thank you before facing Maj. He's good looking, around late 20s. Mukhang stress din sya sa buhay. "Good morning po sir." "Ikaw ba yung tumawag kagabi?" "Yes Sir. Ako po pala si Kyra Sandio" Sadya pong Sandio na ang last name ko. Pinapalit ko sa Recto. "You're applying for maid right?" "Opo." "Do you like kids." "Opo naman po! Gusto ko po yung mga cute na bata." "Can you speak in English?" "Yes sir!" Ako pa tinanong mo. "Good, Alice speak in English." Siguro si Alice yung aalagaan ko. "Yes sir." "Baka 'yes sir' lang alam mo." "No Sir." Natawa siya sa akin. Well, sadya yan. Feel na feel ko kaya mag yes and no sir gaya ng sa mga palabas na napapanuod ko. Yung sa Be Careful with My Heart na bida panay Sir yung tawag. "Can you tolerate naughtiness?" "Makulit din po ako sir!" "Eh, kaya mo bang magluto? Mag laba? Mag linis?" Patay! Hindi ako marunong. "Mapag-aaralan sir!" Natawa na naman sya. Oh my! Mukhang masamang pangitain. "Hindi ako sundalo Kyra. Wag ka nga sumigaw jan ng yes sir o kaya puro sir ang dulo." "Sorry, si.. Ssssss!" Ngumiti na lang ako. "Last question, Are you a fan of Nico Ciriaco?" What? "Sino po yun?" Tumawa na naman siya. "Are you kidding me?" "No Sir." "Nico Ciriaco, di mo kilala?" "Sino ba sya Sir?" Wala talaga akong maalalang Nico circir na yan. "Wala naman. Sa kaniya ka lang naman magtatrabaho. Stay-in, minimum pay for starting but with SSS and pag-ibig, you need to wear uniform, maliit lang naman yung bahay, actually it's a condominum unit with three bed rooms. You can start today." "Talaga po?" Nagulat ako. Yun na yun? Tapos na yung interview? "Pirmahan mo pala ito kung pumapayag ka sa kontrata mo bilang yaya o katulong." Kinuha ko yung papel at binasa. Nagulat ako sa ibang mga condition pero okay lang naman na. Pero yung amo kong si Nico... Ahhh.. Okay, okay. "Tapos mo nang basahin?" He asked not believing that I read everything in this paper. "Yes sir." Pipirmahan ko na nga. "Thank you Kyra." Nakipagkamay siya sa akin. "Thank you po Sir. Maj." Nang magkalapat yung kamay namin parang kinabahan ako. Maj, Maj, Maj.. "Sir yung kamay ko po?" Hindi nya pa kasi hinibitawan. "Ahh... Sorry. Kakaiba lang kasi yung kamay mo." Anong kakaiba? Sya lang naman nagsabi nun sa akin. "Panong kakaiba?" "Nothing. Congratulation for your new job, Ms. Kyra. <3 Nagpaalam akong uuwi muna para kunin yung dalawang suitcases ko. May binigay na address si Sir Maj at pera na rin pamasahe. Sa harap ng condominium napatingala ako. Sir Maj wrote that this Nico live at the 25th floor. Wow! Jan na ako titira? Infairness parang yung flat ko lang sa Seattle. Sa mismong tapat ng pinto huminga ako ng malalim. This is it! My new job, Yaya. __ "Alice!" Nico groaned in frustration. He left his work to babysit his own daughter. Walang yayang tumatagal sa bata. Puno kasi ito ng kalokohan. Minsan tuloy naisip nya na hindi nya anak ang bata kundi ni Satanas. Napakakulit. Sumuko nga lahat ng katulong. May mga insidente na kinagat ng bata yung Yaya niya, tinapunan ng mainit na tubig, pinakain ng clay, kinulong sa CR at kung ano-ano pa. "Alice stop that!" "But Daddy! I want to hit Tom! His a bad cat! He hate Jerry! I love Jerry!" Nanunuod ang bata ng Tom and Jerry pero dahil sa nayayamot siya kay Tom, pinupukpok niya yung TV. Kinuha na lang siya ng ama at pinaupo sa upuan. "It's only a show. Sit and watch. Don't hit the screen okay?" "Yes Dad!" Tumunog yung cellphone ni Nico kaya't iniwa nya muna yung bata. "Hello, Maj?" "Good news!" "What is it?" "In five seconds the bell will ring." Tumunog yung doorbell niya. "Ano naman 'to Maj?" "It's a surprise. Buksan mo na ang pinto." "Okay." Binuksan nya ang pinto. Tumambad ang isang babae. "Maid for you, Nico Ciriaco."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD