KABANATA IV
"Baby? Anak mo 'to?"
Nagulat si Suzy sa nasaksihan niya pagpasok pa lamang ng pintuan ng opisina nila. Si Joshen na karga-karga ang anak niya at si Joshua na nakatayo sa gilid nila. Ni minsan, hindi nito naisip na magtatagpo silang apat sa iisang lugar at sa maling panahon. Wala sa plano niya ang pagkakataong ito. Inaasahan niya na dadating ang pagkakataong ito pero hindi sa sobrang agang panahon. "Eomma!" pagtawag ng bata sa kanya.
Bumaba si JB mula sa pagkaka-karga at kinuha ang dalang pagkain ni Suzy para sa kanya. Natulala naman si Suzy at napayuko sa anak. Ngayon, paano niya haharapin ang dalawang lalaking ito. "Hey Suzy! Anak mo siya?" nagtatakang tanong ni Joshen
Bumalik muli si Suzy sa katinuan niya mula sa malalim nitong pag-iisip at hinarap ang magkapatid. "Hindi. Pamangkin ko 'to." pagsisinungaling niya. Alam nito sa sarili niya, masyado nang komon ang dahilang `yon, pero wala na siyang ibang maisip na dahilan kundi `yon lang.
"Baby. And if I'm not mistaken, Eomma is the Korean term for Mommy, right?" tanong naman ni Joshua dahil hindi ito kumbinsido sa sagot nito
Nabalot ng kalituhan at kaguluhan ang pag-iisip ni Suzy. Hindi nito alam kung paano tutugunan ang magkapatid at tanging naisip lang nito ay ang kapakanan ng anak niya. "Namatay na kasi yung ate ko. Aako na tumayong nanay niya," kahit alam nitong may butas ang alibi niya, wala na siyang ibang nagawa kundi panindigan ang nasimulan nito. Nasa gulo na siya. "JB, `di ba mag-c-CR ka? Halika na. "
Hinila na ni Suzy ang anak niya palabas ng pinto pero pinigilan ito ni Joshua at hinawakan ang kamay ni Suzy dahilan para mapigilan ito. "Kami na. Lalaki naman kami. "
Tinanggal naman ito ni Suzy. "Ako na. I can manage. "
Pagtataka. Pagkalito. Ganyan ang nararamdaman magkapatid dahil sa inaasal ni Suzy. Kung ano man yung bumabagabag sa kanila, minabuting sarilihin nila iyon. Maraming bagay silang naiisip ngayon ukol sa natunghayan nila at sa naging reaksyon ni Suzy no’ng makita niya ang mga ito na kasama ang bata. May hinala sila tungkol doon pero hindi nila magawang sabihin ito. Gusto muna nila alamin kung tama ba ang kanilang mga hinala at gusto muna nilang kumalap ng mga ebidensya na magpapatunay sa mga hinala nila. Alam nilang mali na husgahan nalang nila basta basta si Suzy pero hindi nila maiwasan.
Patuloy lang sa paglalakad sila Suzy at ang anak nito patungo sa banyo. Hindi nila pinansin ang mga taong pinagtitinginan nila. Mabuti nalang walang taong nakatingin sa kanila kaya naipasok ni Suzy ang anak nito. Siniguro muna ni Suzy na walang taong makakakita sa kanila at pumasok sa isang cubicle para kausapin ang anak. "Eomma, are they my Appas?" tanong ni JB
Hinawakan naman ni Suzy ang magkabilang balikat ni JB at inilapit ng konte sa kanya. Siguro, dahil sa mga ikinikilos ni Suzy ngayong araw sa harapan mismo nang anak niya, nahahalata na ito. "Yes. But you need to pretend that you're not my son."
"Eomma, but why?"
"Basta. Just follow my instructions and don't let anyone know about the truth. Sa ating dalawa muna `yon, okay? Be patience, baby. Just give, Eomma some time to fix this and everything will be okay."
Niyakap nalang ni Suzy ang anak. Kahit gusto na nitong sabihin sa dalawa na anak nila si JB, nanaig pa rin ang takot niya bilang isang ina, na baka itakwil ng magkapatid ang anak. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon, maging ang tamang oras at tamang lugar. Nais ni Suzy maging handa ang lahat at umayon sa plano niya. Gusto niyang maging maayos ang lahat. Ayaw niyang magkaroon ng aberya kung sakaling dumating na angf panahon na kakailanganin na niyang sabihin ang buong katotohanan sa dalawa.
Kumalas na sa pagkakayakap si JB at tinignan ang kanyang ina. "Eomma, my Appa's are really big. When I grow up, I want to be like them." namamangha sabi nito sa kanya.
Sa sinabing `yon ng kanyang anak, natawa ito nang hindi inaasahan. Kumalas na siya sa pagkakayakap ng anak at inayos ang uniporme nito. Pagkabukas ng pinto, nagulat sila parehas ng makita si Rin. "Kaya ka pala nagtatanong tungkol sa kanila. Ngayon, ikaw naman ang magkwento sa 'kin. "
X---x---x---x
Matapos ang insidente sa banyo kung saan nakita nila si Rin at narinig ang lahat, bumalik na sila sa opisina nila, samantalang si JB, nasa opisina nang magkapatid upang makipag-laro. Noong una, hindi pumayag si Suzy dahil pa rin sa pangamba nito pero dahil na rin sa pagpupumilit nila, pumayag na rin ito. May tiwala naman ito sa anak na tutuparin nito ang napag-usapan nila.
"Kaya pala nandito ka sa company nila. Hinanap-hanap mo `yong sarap! Malandi ka!" pagbibiro ni Rin. Hindi alam ni Suzy kung tama bang ikwento niya kay Rin ang lahat-lahat, pero kagaya nang sinabi niya, makakatulong na rin kahit papaano sa kanya si Rin. "Pero kidding aside, girl. Ano’ng plano mo? Imposibleng pumasok ka dito nang wala kang plano? "
Ibinaling na ni Suzy ang atensyon nito kay Rin at tinignan ito ng seryoso. "Seriously. I really don't have any plans. Just go with the flow ba. But one thing is for sure, magbabago sila. For my son's sake. OUR son.
Ayokong lumaki ang anak ko nang tulad nila." paniniguro ni Suzy.
Kampante siyang magagawa niya kung ano ang dahilan ng pagpasok niya sa kumpanya nila pero hindi siya kampante sa sarili, hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang maisagawa kung ano talaga ang mga dapat niyang gawin. Pero sinisiguro niyang gagawin niya ang lahat ng makakaya niya. Ayaw niyang masayang ang lahat ng pinaghirapan niya at karapat-dapat na makamit niya ang katotohanang matagal na niyang inaasam.
"Gaga ka kasi! Sa susunod na hihilain mo `yong anak mo, siguraduhin mong walang nakakapansin. Narinig ko tuloy. Pero girl, gulo na talaga pinapasok mo. Paano kung isang pagkakamali, sira na lahat? Oo nga naman, wala kang plano, so anong masisira? How nice! But don't worry, tutulong ako sa abot ng makakaya nitong red polished nails ko! Tignan mo, ang pretty! "
Natawa naman si Suzy sa pagbibiro nang kaibigan nito, pero sa huli, nagpasalamat pa rin siya sa tulong na inaalok nito at humingi nang tawad sa pagkaka-sangkot sa magulo niyang buhay. Kahit hindi nito alam kung paano siya matutulungan nito, basta alam nitong tago ang sikreto nito at may napagsabihan na siya nito, ayos na. Gusto nalang sana niyang manatili sa pamilya niya ang sikretong iyon pero maganda na rin para sa kanya na may napagsasabihan siya at napag-uusapan.
Sa opisina nang magkapatid, masayang nakikipag-laro ang dalawa kay JB. Hindi ugali nang magkapatid ang maging abala sa ibang bagay during office hours, maliban nalang kung tawagin sila nang mga kalamnan nila, pero nagkaroon sila nang interest ng makita si JB. Marahil, nakikita nila sa bata kung ano ang wala sila noon. Nakikita nila sa bata ang sobrang sayang kabataan na minsang naipagkait sa kanila noong nasa kasing edad lang sila nang bata.
"Tito Joshen! Catch me!" masiglang sabi nang bata habang nakapasan sa likuran ni Joshua
Naghabulan naman ang magkapatid sa loob ng opisina nila na parang bata. Kahit kayang habulin ni Joshen ang kuya nito, bumagal pa rin ang takbo nito, matuwa lang ang bata.
"Gotcha!" nang mahuli na ni Joshen ang bata, ibinaba niya ito sa pagkaka-karga at sinimulang kilitiin ito hanggang sa mapahagalpak ito sa kakatawa.
"Tito! HAHAHAHAHA! I can't... breathe."
Nang makaramdam ng pagod, naglakad sila patungong couch. Pero bago ito tuluyang makaupo, nanlaki ang mga mata nang magkapatid nang may makitang kukunin si JB sa upuan. Inunahan naman siya ni Joshua sa pagkuha no'n at ibinulsa. "Tito, is that a balloon? Can I have it?" paki-usap nito
"no. Madumi `yon. Bawal sa bata. Sit down. "
"Haven't heard about proper disposal? Tsk." bulong ni Joshen sa kuya nito. Ang tinutukoy ni JB na lobo ay ang gamit na condom na nakita nito. Hindi nito alam kung bakit mayroon no'n doon, pero ang importante, naiwasang makita `yon ng bata.
"JB, may itatanong ako sa `yo." ani Joshen. Nilingon naman ni JB si Joshen at naghintay ng sasabihin nito. "Single ba ang Tita Suzy mo?"
"Opo."
Nanlaki ang mga mata ni Joshen at napangiti ng marinig niya ito. Kinarga nito si JB at inupo sa kandungan niya. "Ano'ng favorite food niya? Colors? Flowers? Favorite gawin?"
"Seriously Joshen? Don't tell me, you're planning to—" hindi na natapos ni Joshua ang sasabihin niya ng putulin ito ni Joshen.
"Yes, wala namang masama do'n, Kuya. For a change."
"Ilang araw na ba siya dito? Ganoon kadali? Katulad lang naman siya ng ibang babae na may ibang intensyon sa pagpasok sa buhay mo."
"It doesn't matter."
"Bahala ka. Malaki ka naman na. "
Nagtungo na muna si Joshua sa mesa nito at nagpakaabala. Ibinaling muli ni Joshen ang atensyon kay JB.
"Favorite foods niya po is spicy adobong baboy, ginataang kalabasa at carrot cake. Favorite color niya po is yellow and red. Hindi ko po alam sa flowers, eh. Sa bahay, lagi lang po siyang nagbabasa ng books or gumagala kasama sila Dexter at Leo."
"Dexter at Leo?"
"Opo, `yong alaga po naming aso. Namamasyal po kami palagi sa park kasama sila."
"Mga aso pala," natawa ng bahagya si Joshen at natapik ang kanyang hita sa pag-aakalang tao ang mga nabanggit na pangalan.
"Bakit mo po tinatanong mga favorite ni Eomma?"
"Wala naman. Curious lang ako."
Ilang minuto nang pag-uusap, biglang nakaramdam ng antok si JB hanggang sa nakatulog ito. Nahimlay ang ulo nito sa kandungan ni Joshen at ang mga paa kay Joshua
"Joshen," tawag nito sa kapatid na kasalukuyang nawi-willing hinahawi ang buhok ng bata
"Bakit Kuya? "
Hindi alam ni Joshua kung bakit niya biglang naisip ang bagay na iyon. Pero patuloy talagang bumabagabag sa kanya `yon. "Kung sakali, isa sa `tin ang tatay niyang si JB. Kung sakali lang. "
"Sira ulo ka, Kuya. Imposible yang sinasabi mo. Hindi nga natin kilala si Suzy." natawa ito sa mga pinagsasabi nang kuya nito. marahil, iniisip na nitong baliw ito o nakakaramdam ng kalibugan kaya ganoon. "
Kung sakaling ako tatay nito ni JB, magbabago ako. Aalisin ko `yong ganitong ugali ko at magiging loyal at faithful. Lahat ng masama na sinasabi nila. Of course, I don't want my son to grow up just like his arrogant father. As much as possible, he better detour the path we've already taking. And for Suzy, keeping my son for a very long time without informations or informing me is a no-no , then. Pero alang-alang kay JB, I'll forgive her. She must have a reasons kung bakit. Maybe her reason was me also. `Yong ganito tayo. "
Sa mga sinabi ni Joshen, napabilib nito nang husto ang Kuya nito. Hindi na siya kagaya nang iniisip nito na may pagka-isip bata, na loko-loko at walang alam kung hindi maglaro, pero ngayon, napatunayan nitong kaya pa palang magmature ni Joshen at may mga pagkakataon na nagse-seryoso at mapapabilib ka talaga.
Maging si Joshua napa-isip at naguluhan sa tanong nito. Paano nga kung anak ng isa sa kanila si JB? Magiging parehas ba ang pananaw nilang magkapatid?
Tama kaya ang narinig niya mula sa usapan nila Rin at Suzy sa opisina nila?