KABANATA XII Hindi pa rin makapaniwala si Suzy sa narinig mula sa kaibigan. Hindi niya pa rin magawang pagdugtungin ang bawat pangyayaring nagaganap sa buhay niya ngayon. Pakiramdam nito, sobrang pinaglalaruan siya ng kapalaran sa panahong ito at hindi nito lubos maisip kung ano ang posibleng dahilan para gawin sa kanya `yon. No'ng una, siya pa ang umaalam kung sino ba talaga ang totoong ama ng anak niya pero ngayon, mababalitaan nalang niya na kilala pala ng isa sa pinaghihinalaan niya kung sino ang totoo. Posibleng si Joshen at hindi niya gugustuhin kung si Joshua ito. Napasinghap ng malalim si Suzy at hinarap muli si Rin. "Pero, paano niya nalaman ang tungkol doon? Sino ang totoong ama ni JB? Siya ba? O si Joshen? Sino Rin? Paano?" sunod sunod na tanong ni Suzy. Marahang hinawakan ni

