KABANATA III
Kasalukuyang nasa kwarto at inaayos ni Suzy ang mga gamit sa eskwela at baon ng kanyang anak habang hinihintay matapos ang kanyang anak na maligo. Natapos na rin nito pakainin ng almusal at ngayon, hinihintay nalang ito matapos maligo.
Lumapit ang ina ni Suzy sa kanya at naupo sa kama. "Anak, Suzy, sigurado ka bang gagawin mo `yon? Paano kung mapahamak ka sa ginagawa mo? Hindi naman sa hindi kita sinu-suportahan sa desisyon mo, pero wala bang ibang paraan? Kailangan ba ganoon talaga ang plano mo?" sabi ng kanyang ina na may halong pag-aalala sa tono ng pananalita nito.
Itinabi muna ni Suzy ang bag ng kanyang anak at tinabihan ang kanyang ina. "Mama, matagal ko ng napag-isipan ito at sigurado na ako. "
"Pero hindi mo gugustuhing magkaroon ng ganoong klaseng ama `yang anak mo. "
Huminga ng malalim si Suzy at sinabing, "Kaya nga gagawin ko `to, `Ma. Para baguhin sila dahil ayoko ngang magkaroon ng ganoong klaseng ama ang anak ko. Naniniwala ako na kapag nalaman nilang may anak sila, magbabago sila alang-alang kay JB."
"Ipa-DNA testing mo nalang kasi. Walang namang masama kung susubukan mo." napakamot ng ulo si Suzy sa narinig mula sa kanyang ina. Ilang beses na nilang napag-usapan ito pero sadyang makulit at mapilit ang kanyang ina. "Mama, ilang beses na ba nating napag-usapan `to? Magkapatid sila at anak nila si JB, may posibilidad na parehas positive ang lumabas na resulta. Ako na bahala dito Mama. "
"Eomma! Where's my bathrobe?" biglang sigaw ng kanyang anak na mukhang tapos ng magtampisaw sa tubig.
Iniwan na muna ni Suzy ang kanyang ina at nagtungo sa banyo para punasan ang anak na katatapos lang maligo. Matapos no'n, binihisan na niya ito ng uniporme at bumaba na sa garahe para maghanda sa pagpasok nila.
Habang nasa byahe, hindi mapigilan ng anak nito ang magtanong ng kung anu-ano tungkol sa MGA ama nito. Sinasagot naman iyon ni Suzy, pero ang ilan sa mga ito, ay pawang kasinungalingan lang. Hindi naman niya masisisi ang anak sa pagtatanong tungkol sa kanyang mga ama dahil hindi maitatanggi ang katotohanang may karapatan pa rin ang anak niya na malaman ang bawat impormasyong alam niya tungkol sa mga ito pero ang paniniwala ni Suzy ay lingid sa kagustuhan ng kanyang anak. Ayaw niya munang magbigay ng kahit kaunting nalalaman niya rito dahil ayaw niyang paasahin ang kanyang anak. Gusto nito sabihin sa anak ang lahat kapag maayos na ang lahat.
"JB, can you stop for now, please?"
Biglang umupo sa kandungan ni Suzy ang anak nito at pinaglaruan ang kamay nito. "When can I meet my Appas? Can I go to your office afer class?"
"No. Not now. Not tomorrow. I'll tell you when. "
"But Eomma!" pagpo-protestang bata sa kanya. Kanina pa nito pinipilit si Suzy tungkol sa kanyang mga ama at gustong gusto na nito ito makilala na, pero si Suzy, pilit ring itinatanggi ang hiling ng kanyang anak.
"I already said no, JB. No buts. "
"You're so unfair, eomma " nagtatampong saad nito.
Isinandal nalang ni Suzy ang ulo ng kanyang anak sa kanya at hinagod ang likod. Nakaramdam ito ng biglang awa sa anak niya. Natatakot lang naman ito na makilala ng anak niya ang mga ama nito na ganoon pa ang ugali. Ayaw kasi dumating ni Suzy yung panahon na itakwil ng magkapatid ang anak nila sa kadahilanang hindi nila ito matatanggap. Sa kadahilanang hindi nila ito paniniwalaan na anak nila ito at pagdudahan kung sila nga ba talaga ang ama nito. Hindi handa si Suzy kung sakaling dumating ang pagkakataong iyon. Ang pagtanggap lang ng magkapatid ang nais niya at alam niyang hindi ito magiging madali para sa kanila pero umaasa pa rin si Suzy para doon.
Pagdating sa eskwelahan, hinatid na ni Suzy ang anak nito sa silid-aralan at humalik na para magpaalam. Humingi ito ng paunmanhin sa anak sa hindi pagpayag sa kagustuhan nitong pumunta sa opisina nila. Naintindihan naman ito ng anak niya at sinunod na lamang ang kagustuhan ng kanyang ina na maghintay na lamang sa hudyat niya. Pinaalalahanan rin ni Suzy ang anak bago ito tuluyang umalis ng paaralan.
Pagdating sa kumpanyang pinapasukan nito, kaagad nagtungo si Suzy sa silid ng mga sekretarya ng magkapatid at binati si Rin na kasalukuyang inaayos ang pagkakatali ng buhok ito. Hindi niya ito nakita kahapon kaya binate na rin niya ito kaagad.
"Suzy, right?" sabi nito habang sinusuklay ang buhok. "Ako nga pala si Rin, siyempre kilala mo na ako kaya nga binati mo na ako, eh. Alam mo bang usapan ka dito sa buong kumpanya?"
"`Yong tungkol ba `to sa nangyari kahapon? Wala naman akong magagawa dahil siya ang nagpumilit." naiiritang sabi niya. Naglakad siya papunta sa mesa niya at naupo na siya roon. Inilapag na muna niya ang bag na dala niya sa mesa at tinignan ang mga papeles na nasa mesa niya.
Matapos maayos ni Rin ang buhok nito, kumuha ito ng isang upuan at umupo sa harapan ng mesa ni Suzy. "Ang sungit mo, girl! May relasyon ba kayo ni Sir Joshen? Ano? Mag-kwento ka! Magaling ba siya? Malaki ba? Hindi ko pa kasi natitikman `yong kay Sir Joshen, pero solve na ko kay Sir Joshua. "
Nanlaki ang mga mata ni Suzy sa mga narinig nito kay Rin. Nabigla si Suzy kay Rin pero kailangan niya ito paki-samahan ng mabuti. Dahil isa lang si Rin sa mga kakailanganin at makakatulong sa pagsasagawa ng plano nito. Alam nitong magiging malaki ang papel ni Rin sa plano niyang ito. Sa mga nalalaman ni Rin sa kumpanyang pinapasukan nila at maging sa magkapatid, magagawa nitong maisagawa ang plano ng maayos. "Oo, magaling siya. At oo, malaki talaga. Pero relasyon, wala kami no'n. Bukod sa pagiging secretary with benefits niya, hanggang do'n nalang `yon." inayos niya ng bahagya ang pagkaka-upo niya at lumapit ng kaunti kay Rin. "Trabaho lang ang ipinunta ko dito."
"Naku, Suzy! Huwag ako. Kasi ako, I've already met them during our college days, and decided to follow them here. Trabaho and, you know, s****l urges. Maiba tayo. Girl, sigurado kang wala kayong relasyon ni Sir Joshen? Sa dami kasi ng mga naging secretary niya, ikaw lang tin-rato niya ng ganoon." mausisang tanong nito. Inilapit ng bahagya ni Rin ang mukha malapit sa kinaroroonan ni Suzy at tila nasasabik at naghihintay ng isasagot niya.
"Ang kulit mo, Rin! Wala nga. Hindi ko naman kasalanan na ganoon ang trato niya sa akin. Isa pa, paano ka nakakasigurong ako lang ang ganoon ang trato niya? Sa `yo na mismong nanggaling, sa dami ng naging secretary niya. That's what they call strategy. Kailangan nilang umisip ng paraan para makuha ang gusto nila. "
"So, aminado kang gusto ka niya?" tanong nito kay Suzy. Napatango nalang si Suzy kasabay ng pagtataas nito ng kilay bilang tugon. "Ikaw na, girl! Ikaw na maganda! Tapakan ko `yang buhok mo, eh. Sige na. Pupuntahan ko muna si Sir Joshua. Kailangan niya `tong mga files. See you later. "
Pagkalabas ni Rin ng silid, sinimulan namang gawin ni Suzy ang mga kailangan nitong gawin. Mula sa pag-aayos ng mga kakailanganin ni Joshen sa meetings, sa pag-aayos ng schedule ng appointments at maging ang plano nito sa balak nitong mangyari sa magkapatid, pinag-iisipan na rin niya. Wala pang gaanong trabahong itinalaga sa kanya para sa araw na ito pero gusto niyang magpalipas oras at igugol ang oras na ito para mawala ang pagkabagot niya.
Bigla nalang bumukas ang pintuan ng silid sa pag-aakalang bumalik na si Rin galing sa opisina ng amo nito pero hindi, hindi si Rin ang pumasok. Kung hindi ang amo nito. Si Joshen.
“Good Morning." bati ni Joshen pagpasok pa lamang sa silid nila Suzy. " Busy ka ba? Boring, eh. "
"Katatapos ko lang i-sort `tong mga files then wala na kong gagawin. Unless," lumapit si Suzy sa mukha ni Joshen at bumulong gamit ang pinaka nakaka-akit na boses nito. "You want some fun. "
"Just what I exactly needed right now." naka-ngising saad ng binata.
Tumayo si Suzy at lumapit kay Joshen na akmang tatanggalin ang suot nitong coat pero pinigilan ito ni Joshen na siyang ikinabigla rin nito. Hindi niya inaasahang magiging ganoon ang iaasal nito sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Suzy dahil sa pagtataka nito sa inasal ni Joshen
"Just kiss me. Huwag dito sa opisina. This is not a good place for us to do that. As much as I wanted, pero ewan, ayoking gawin sa `yo dito." aniya.
Aminado si Joshen na hindi maitatangging naaakit ito sa presensya ng dalaga. Sa maganda nitong hitsura at sa ganda ng alindog ng katawan, idagdag pa ang husay nito sa isang larangan gusto rin nito, walang duda, kakaiba nga si Suzy para sa kanya.
Naintindihan naman ni Suzy ang sinasabi ng amo nito, pero lingid ito sa inaasahan niya. Pero sa kabilang banda, umaayon na rin ang nangyayari sa pinaplano nito. Malaking aspeto na rin ito na makakatulong sa pinaplano niya. Sa ganoong paraan, magagawa nitong mabago ang magkapatid at ilayo ang mga ito sa larangang nakasanayan nila. Ginagawa niya ito para sa kanyang anak. Para sa kinabukasang pinaplano nito kasama ang totoong ama ng bata. Gayunpaman, hindi pa rin maiwasan ni Suzy na mapaisip. Paano kung hindi si Joshen ang totoong ama ng anak niya? Ano ang posibleng isipin nito tungkol sa pakikitungo niya sa binata? Baka isipin nitong ginamit lamang niya ito para makamit ang katotohanang matagal na nitong inaasam. Pero hindi na muna inisip ni Suzy ang mga bagay na `yon. Maglalaan na lamang siya ng sapat na oras para do’n at magiging handa kapag dumating na ang panahong `yon.
Naupo si Suzy sa kandungan ni Joshen, tinignan muna nila ang mata ng isa’t isa, yumakap sa leeg nito at nagsimula na silang maghalikan. Dala na rin ng pangyayari, hindi naiwasan ni Joshen na ipasok ang isa nitong kamay sa loob ng damit ni Suzy at pinaglaruan ang malalaking dibdib nito. Hinayaan nalang ito ni Suzy at nagpatuloy.
Iginilid ni Suzy ang kanyang mukha at hinayaan si Joshen na halikan ang kanyang leeg. Napapa-ungol naman si Suzy dahil sa kiliting nararamdaman niya sa paghalik na bin ibigay ni Joshen sa kanya. Napapasabunot siya sa buhok ng binata at napapalundag. Nakikiliti pa rin siya sa paghalik ni Joshen sa kanyang leeg, idagdag pa ang patuloy na pakikipaglaro ng binata sa dibdib niya. Gusto niyang hagkan muli ang mga labi ng binata pero nginitian niya lamang ito na parang nang-aasar. Alam ng binata na parang umarteng nasasabik si Suzy kaya tinukso niya muna ito. Dinilaan niya ang leeg ng dalaga at mas lalong lumakas ang kiliting nararamdaman nito. Lalo ring napapalakas ang pagsabunot ni Suzy sa buhok ng binata kaya ibinalik na nito ang mga labi niya sa mga labi ng dalaga at halos angkinin na niya ito. Tumugon ang dalaga at nakipag-iskrimahan ng dila sa binata.
Matapos ang ilang minutong paghahalikan, huminto na sila at inayos ang mga kasuotan nila.
Tumayo na si Joshen at naglakad papunta sa pinto para bumalik sa opisina nito. "Susunduin kita mamayang lunch break. Hindi ako nag-breakfast dahil mas prefer ko ang sexfast with you. " natawa ng bahagya dahil sa bagong salitang narinig sa amo nito. Kinindatan nito ang dalaga at binuksan ang pintuan.
"We'll check your schedule. Kapag walang sagabal sa gusto mong mangyari, then we will go for that, Sir. "
Lumabas na si Joshen kasabay ng pagpasok ni Rin na mukhang pagod. Hindi na nagawang itanong ni Suzy kung bakit dahil alam na nito ang dahilan. Naupo si Rin sa upuan nito at kinuha ang pulbos na nasa bag nito at sinimulang ayusan ang sarili. "Kaya pala lumabas siya sa office nila. Sis, anong ginawa niyo ni Sir Joshen?" sabi nito habang patuloy ang paglalagay ng pulbos sa mukha
"Basta hindi siya katulad ng ginawa niyo ng amo mo. Kinoconsider kasi ni Joshen `yong energy ko. " pagmamalaking sabi ni Suzy
"Paano ba naman, pagpasok ko pa lang, ginawa na kong basahan sa pader. " matapos ang pagpupulbos, binalik nito ang gamit sa bag at nagsimulang magsuklay "Joshen? Babawiin mo na ba ang sinabi mo kaninang wala kayong relasyon? "
"Tigilan mo nga ako d'yan, Rin. Wala nga. Magkaiba lang talaga ang mga amo natin. Maiba ako," tumayo si Suzy sa kinauupuan nito at naupo sa harapan ng mesa ni Rin na kasalukuyang naglalagay ng pampapula sa labi. "Alam mo ba kung bakit ganoon `yong ugali ng magkapatid?" halata sa tono ng pananalita ni Suzy at kagustuhan at pagiging interesado sa nabuksang usapan.
"Pantry muna tayo. Nagugutom na ko, eh. Doon ko nalang sasagutin. "