KABANATA VII Kasalukuyang sinusundo ngayon ni Suzy ang anak nito sa pinapasukang paaralan. Nagtungo ito sa waiting shed kung saan nakihalubilo rin siya sa ibang magulang o katulong na nandoon. Pinag-usapan ang kani-kanilang mga buhay, may mga nag-aalok ng produkto mula sa isang sikat na brochures, mga balita sa telebisyon at kung anu-ano pa. Habang naghihintay, naisipan ni Suzy na bumili muna nang makakain sa kalapit na fast-food chain. Pumila na ito at nag-isip nang bibilhin niya nang may matanaw na isang pamilyar na mukha. Matagal ng panahon ang lumipas pero sariwa pa sa alaala nito ang mukhang `yon. Nilapitan niya ito agad at kagaya nang una nilang pagkikita, tinignan nito si Suzy mula ulo hanggang paa. Natawa pa nang bahagya si Suzy dahil naulit lang ang pangyayari. Naupo ito sa har

