KABANATA II
"Sir Joshen, pwede po bang paki-abot `tong files kay Sir Joshua? Kumakatok po kasi ako sa opisina niyo pero walang sumasagot. " saad ng isang empleyado na may dalang mga importanteng papeles kay Joshen.
"Akin na. Salamat." inabot na sa kanya ang ilang folders at kinuha ang susi sa loob ng bulsa nito. Matapos i-abot ng isang empleyado ang isang envelope na naglalaman ng mga importanteng dokumento, naglakad na ito patungo sa opisina nilang magkapatid.
Kagagaling lang nito sa isang meeting at halata sa itsura nito ang pagod at pagkabagot. Meeting. Isang bagay na ginagawa ng mga tao sa industriya na takot bumagsak, paniniwala nito. Pinag-usapan lang sa meeting na `yon ang tungkol sa planong company expansion at mga planong ukol sa pagsasa-ayos o paglilinis ng ilang natitirang dumi ng nangyaring anomalya sa kumpanya nila. Ilang taon na ang lumipas ng magkaroon ng anomalya sa kumpanya nila ng mapag-alaman nilang may espiya rito at nagbibigay ng impormasyon sa kalabang kumpanya nila. Humarap ang kumpanya nila sa malaking gulo na siyang naging dahilan ng unti unti nitong pagbagsak at pagkasira sa iba pero kalaunan, unti unti rin itong nakabangon mula sa matinding pagkakabagsak. Napakaraming pagbabago ang ginawa nila sa sistema at pamamalakd ng kumpanya nila para lamang sa kaayusan ng nasirang imahe ng kumpanya nila. Mahirap man para sa kanila ang ginawang pagbabago, tiniis nila iyon dahil alam nila na nakasalalay rin dito ang magandang kinabukasan nila.
Nang marating ang opisina nila, doon niya napag-tantong tama ang empleyado sa sinabing nakasarado ang pintuan at walang sumasagot. May ideya na siya sa posibleng dahilan kung bakit nakasara ang pintuan ng silid nila at walang sumasagot sa katok ng isa pang empleyado. Binuksan nito ang pinto at hindi na nabigla sa nakita. Isang partikular na senaryo na lamang ito para sa kanya.
"Sir Joshen," sabi nito ng nahihiya at nag-aalangan kung tatayo na ba sa kinaroroonan nito.
"Ituloy mo lang. "
Isinarado na nito ang pintuan at nagtungo sa mesa nito. Naabutan nito ang sekretarya ng Kuya niya, si Rin, na ipinapasok sa bibig niya, labas pasok ang alaga ng kuya nito. Hindi na bago sa kanya ang ganoong senaryo. No'ng una pa lang na pumasok si Rin ss kumpanya nila bilang sekretarya ng kapatid nito, ipinabatid na nito ang pagnanais na makatuluyan ang kapatid nito. Ang pagpasok nito sa kumpanya nila ay bunga ng nangangailangan siya ng trabaho at ang pagnanais na sundan si Joshua sa kung nasaan man ito.
"Ako sunod. " pabirong sabi ni Joshen. "`Langya. Thunders na kasi `yong secretary ko. " natatawang sabi nito
"Bakit kasi hindi ikaw ang namimili ng secretary mo? Ngayon, maiingit ka sa akin. Sira ulo ka rin eh, `no?" sabi ni Joshua habang inaayos nito ang nakababang pantalon niya habang si Rin naman ay tumayo upang ayusin ang suot niya.
"Ituloy niyo na `yan. Nakaka-istorbo pa ako ako." sarkastikong sabi ni Joshen at nagpatuloy papunta sa mesa niya.
"Huwag na," naupo na si Joshen sa mesa niya at tinignan ang mga dalang dokumento ni Joshen para sa kanya.
"Lalabas na muna ako, kuya. Nagugutom ako. Baka may gusto kang ipabili?"
"Wala naman."
Lumabas na ito ng opisina nila at naglakad papuntang pantry dahil bigla itong nakaramdam ng antok at gutom. Pagdating sa pantry, kinuha nito ang tumbler mula sa isang estante at nagsalin ng latte mula sa coffee dispenser. Inilapag muna nito ang tumblr niya sa isang bakanteng mesa at bumili ng makakain niya. Bukod sa pagkabagot na nararamdaman nito habang nasa isang meeting na dapat ang Kuya niya ang naroroon, nakaramdam rin ito ng gutom at tila antok kaya naisipan nitong magtungo sa pantry upang magpalipas oras.
Nang makabalik na si Joshen sa mesa, naabutan niyang may babae nang nakaupo rito. Nilapitan niya ito at naupo sa harapan niya. Pinagmasdan niya muna ang dalagang naka-upo roon at saka lamang napag-tanto ng dalaga may dumating pala sa harapan niya. Abala kasi ito sa pag-a-ayos ng mga papeles niya at hindi niya napansin ang presensya ng binata.
"I'm sorry. Bigla kasing nalaglag mga documents ko kaya dito ko na naisipang ayusin. Sandali nalang naman `to at aalis din ako,"
Akmang tatayo na `yong babae at maglalakad palayo pero nahawakan ni Joshen ang kamay nito. Napatingin naman ang dalaga sa pagkakahawak ni Joshen sa kamay niya at hinintay magsalita ang binata. "No. Stay here. " utos nito.
Sumunod naman `yong babae at umupo na ulit. Itinuloy na ulit nito ang pagkain at pag-aayos ng papeles. Sa mga unang sandali ay hindi niya pinansin ang pananahimik ni Joshen at nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya. Pero hindi rin nagtagal, napansin na rin niyang nakatitig sa kanya si Joshen. Hindi nito alam ang dahilan ng pagtitig sa kanya ng binata kaya nakaramdam ito ng pagka-ilang.
Pinunasan niya ang mukha niya at sinabing "Bakit? May dumi ba sa mukha ko? Paki-tanggal naman, oh. " nag-aalalang sabi nito.
"Wala. Have we met before?" biglang tanong nito sa dalaga.
Nagtaka naman ang dalaga sa tanong niyang `yon. " I don't think so. " sagot nito.
"Siguro nga. Masyado kang maganda kumpara sa mga nakilala ko." sabi ni Joshen sabay kindat sa babaeng nasa harapan niya
"Bolero mo naman." kinuha nito ang iced tea niya at uminom saglit.
"Seriously. Kasi kung nameet na kita before, hindi na kita papakawalan." natatawang sabi ni Joshen.
`Yon na lamang ang tanging nasabi ni Joshen at itinuloy ang pagkain kasama ang babaeng ngayon palang niya nakilala. Masaya si Joshen habang nakikipag-usap sa babae. Hindi nito alam pero nakagaanan niya kaagad ng loob ang dalaga. Pakiramdam nito, nawala lahat ng pagod niya sa pinanggalingang meeting at tila isang anghel ang turing niya sa dalaga. Tamang tama ang biglaang pagdating nito sa harapan niya dahil kailangan niya rin ng makaka-usap dahil na rin sa hindi niya magawang maka-usap ang abalang kapatid nito. May kakaiba rin siyang naramdaman habang kausap ito. Naninikip ang pantalon niya.
Matapos nilang kumain, sabay silang naglakad papunta sa mga pupuntahan nila. Huminto si Joshen pansamantala at humarap sa babae. "Bakit ka nga pala nandito sa kumpanya namin? "
"May interview ako." matipid na saad nito. Nginitian nalang niya si Joshen at sinuklian rin naman siya nito ng isang matamis na ngiti.
"Good luck, then. Sabihin mo lang pangalan ko, matatanggap ka na. " pabirong sabi niya
"Salamat, Joshen."
" Thank you, Suzy. At last, may iba na kong nakasama during my break. See you soon? "
"We'll see. Wish me luck. "
Binigyan ng halik sa pisngi ni Suzy si Joshen na siyang ikinagulat nito at naglakad na palayo. Napangiti bigla si Joshen sa hindi inaasahang pagkakataon. Kadalasang ginagawa ito ng binata kapag nakakatagpo ito ng babaeng pupukaw ng atensyon niya at kai-interesan niya pero ngayon, siya ang hinalikan sa pisngi ng hindi niya inaasahan. Pakiramdam tuloy niya, may interes ang babae sa kanya kagaya ng nararamdaman nito sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin ang mga ganoong posibilidad. Sa pagkatao niya, hindi rin imposibleng hindi siya magustuhan ng kahit sinong babae. Si Joshen ang tipo ng lalaki na gagawin ang lahat makuha lamang ang gusto niya malayo sa ugali ng Kuya niya. Alam nitong masyado pang maaga para makaramdam ng ganoong pakiramdam si Joshen, dahil kakakilala pa lang nila pero umaasa si Joshen na sana, simula sa araw na ito, masilayan na niya ang mukha ni Suzy sa kumpanya nila. Gagawin niyang dahilan kung sakali ang pagpasok ni Suzy sa kumpanya para sipagin rin siyang pumasok sa araw araw.
Tinuloy nalang nito ang paglalakad at nagtungo pabalik sa opisina nila. Binabati niya ang bawat empleyadong nasasalubong niya at ang mga empleyado naman ay walang ibang nagawa kung hindi tugunin ang pagbating iyon ni Joshen. Wala silang kahit anong ideya kung bakit nagkaka-ganoon ang binata. Wala silang alam kung ano ang naging dahilan sa sobrang kasiyahang nararamdaman ni Joshen. Alam nilang masayahing tao si Joshen pero bago sa paningin nila ang ganoong pag-uugaling ipinapakita sa kanila ni Joshen.
Pagbalik niya, nakita nalang niya ang Kuya niyang inaayos ang nakababang pantalon nito. "Joshen, kain na tayo. Nagutom ako do'n."
Tinuloy lang ni Joshen ang paglalakad hanggang sa mapa-upo na ito sa mesa nito. Binuksan nitong muli ang laptop niya at isinalpak sa tainga niya ang headphones. "Nauna na ko. Nagutom ako sa board meeting kanina. Nakaka-antok pa. "
Napansin ni Joshua ang hindi maipintang ngiti sa mukha ni Joshen kaya agad niya itong nilapitan at binatukan. "Hoy! Baliw ka na ba? Na-viagra ka ba at tuwang tuwa ka? "
"Gago. May nakilala lang ako babae sa pantry kanina," sabi niya habang hinahaplos niya ang parte ng ulo niya kung saan siya nabatukan ng Kuya nito. "Kuya, chicks. Maganda. Sexy. "
"Baliw ka na nga. Lahat ng empleyado dito, sinabihan mo rin niyan. Mauna na nga ako. Gugutumin ako lalo sa `yo, eh. "
"Iba siya, Kuya." pagpupumilit nito sa Kuya niya na kakaibang babae si Suzy sa paningin niya. Hindi nito alam kung bakit nasabi niya ang mga katagang `yon pero sigurado itong hindi siya nagkakamali sa nasambit niyang `yon.
"Lul. "
Tuluyan ng lumabas sa opisina nila si Joshua at nagtungo papunta sa pantry para kumain na rin. Umupo nalang ulit si Joshen sa upuan niya at kinuha ang laptop nito. Ano pa nga ba? Manunuod ulit siya.
---x---x---x---x
Matapos ang interview ni Suzy, nagtungo na ito sa opisina kung saan siya itinalaga. Hindi niya inaasahang matatanggap siya ng ganoon kadali at sinabihang p’wede na siya magsimula ngayong araw. Hindi na pinalipas ni Suzy ang isang araw at kaagad sinunod ang sinabi ng bisor na magsimula kaagad. Inayos muna nito ang damit niya at kumatok. Matagal na panahon ang hinintay ni Suzy bago maka-pasok sa kumpanyang ito at ngayong natanggap na siya bilang sekretarya ng isa sa matataas na opisyal ng kumpanyang ito, hindi na siya nagsayang ng panahon at hiniling na makapag-simula na kaagad.
"Pasok!" sigaw ng lalaking nasa loob ng opisina.
Huminga siya ng malalim at naglakad patungo sa nag-iisang lalaking nasa opisina. Nilibot niya ang paningin niya sa buong silid at hindi niya maiwasang mamangha sa kagandahan ng kabuuhan ng buong silid. Itinuon na niya ang atensyon niya sa lalaking nasa harapan niya. Wala siyang kasiguraduhan kung ang lalaking bang iyon ang magiging amo niya, dalawa ang mesang nakikita niya kaya nakadagdag ito sa pagkalito niya.
"Aaah... Aaaah.. Aaaah.. "
Nanlaki ang mga mata ni Suzy dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung saan galling ang tunog na iyon. Inisip niya kung may nakatago bang silid dito at may mga taong gumagawa ng milagro roon o nanggaling ba iyon sa laptop ng lalaking nasa harapan niya at inisip nalang niya na nanunuod marahil ng malalaswang video ang amo niya kaya ganoon.
"Sorry for that," isinara ng lalaki ang laptop nito at nabigla ng si Suzy ang natanaw. "Suzy? Ikaw ang bago kong secretary?" nagtatakang tanong pa rin niya.
Hindi niya rin maiwasan ang mamangha sa nangyayari. Hindi niya inaasahang mangyayari ito pero ikinagagalak niya kung totoo ngang nangyayari ito. Kanina lang ay hinihiling niya na makita si Suzy na mamalagi sa kumpanya nila at ngayong nagkatotoo na, ayaw na niyang mag-sayang pa ng kahit anong oras.
"Joshen? Ikaw ang amo ko? Small world." naka-ngiting sabi ni Suzy.
Tumayo si Joshen mula sa pagkaka-upo at inusog ang isang upuan para maka-upo si Suzy. Na-upo naman si Suzy at si Joshen pabalik sa upuan nito. "So you're my new sexretary?" pabirong sabi ni Joshen. Pero ang totoo, hindi lang basta biro ang salitang `yon dahil seryoso niyang tina-trabaho iyon.
"Sexretary? That's nice." ani ni Suzy. "Nice term. I'm looking forward to it. "
"Term? How about the job?" saad nito. Inilapit nito ang mukha niya sa dalaga at inilagay ang dalawang braso sa ibabaw ng mesa. Seryoso nitong tinignan si Suzy. "Being my s*x partner, at the same time, my secretary. May sarili akong terms and condition." pagpapatuloy nito.
"Then you should double my salary. Doing two jobs as one is a hard job to do. "
"I'll take that answer as a yes. I should test your skills, to be sure, pretty lady." Tumayo si Joshen at lumapit kay Suzy. Tumayo rin naman si Suzy at binigyan ng nang-aakit na ngiti si Joshen, dahilan para maging sabik ang binata.
Tinanggal ni Joshen ang coat na suot ng dalaga at naiwan nalang na suot nito ay isang sleeveless na kasuotan bilang pang-ibaba. Hinaplos ni Joshen ang balikat ni Suzy kasabay ng paghalik nito sa leeg ng dalaga, pababa hanggat sa mahawakan na nito ang kamay ni Suzy at hinila ito palapit sa kanya at niyakap. Hindi na gustong pakawalan ni Joshen si Suzy sa mga yakap nito
Sinimulan ng halikan ni Joshen si Suzy. Halos angkinin na nang binata ang mga labi ng dalaga. Umaayon naman si Suzy pabalik sa mga halik nito. Kumapit pa ito sa leeg ng binata upang lumalim ang mga halik nila. Nagpapakawala sila ng mga ungol sa pagitan ng mga halik nila habang ang mga dila nila ay nagdu-duwelo at tila nakikisabay sa agos ng mga halik nila. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Joshen sa baywang ng dalaga at mas inilapit pa ito sa kanya. Nagdikit na ang mga katawan nila. Nakakaramdam si Suzy ng kung anong tumutusok sa ibabang parte ng katawan at may ideya na siya kung ano `yon. Ngumiti ito sa binate dahilan para lalong masabik ang binataa.
Habang patuloy ang paghahalikan nila, nagsisimula na ring gumalaw ang mga kamay nila. Ang kamay ni Joshen papasok sa kasuotan ni Suzy at si Suzy, mula sa pagkakahawak nito sa p*********i ni Joshen, isa isa na niyang tinatanggal ang butones ng sleeves na suot ng binata hanggang sa tumambad sa kanya ang magandang katawan ni Joshen. Hinawakan niya ito mula sa matigas nitong dibdib pababa sa mas matigas nitong tiyan habang si Joshen naman ay masayang pinaglalaruan ang isang dibdib ni Suzy. Pinipisil at hinihimas-himas. Hindi maiwasan ni Suzy ang ma-i-arko ang katawan nito dahil sa ginagawa ng binata sa kanya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nakagat ni Suzy ang ibabang labi ni Joshen dahilan para dumugo ito. Pinunasan ni Joshen ang ibabang labi nito kung saan ito nagdudugo. "What'd you do that for? What's wrong? "
"Not so fast, Sir. Kapag trabaho, trabaho." umatras ng kaunte si Suzy at sinuot na ulit ang coat nito. "I think we should have fun tonight. Your place. Ayaw mo naman sigurong nabibitin ka, `di ba? " pagpapatuloy niya ng naka-ngisi at naglakad patungo sa pintuan ng silid para magtungo sa kabilang silid kung nasaan si Rin.
Lumingon pabalik si Suzy at kininditan si Joshen. Sinimulan na ring ayusin ni Joshen ang sleeves niya at naupo na sa mesa niya. Hindi mawala sa mukha ni Joshen ang ngiti dahil sa suhestiyon sa kanya ng dalaga. Hindi na siya makapaghintay. Gusto na niyang bumilis ang oras at gusto na niyang solohin si Suzy. Si Suzy na nakayakap sa mga bisig niya at inaangkin ang labi niya, hinahawakan ang malaki niyang katawan at nakikipag-talik sa kanya. Mas lalo siyang hindi mapakali at sobrang nasasabik. Gusto na niyang tapusin ang lahat ng ginagawa niya upang magawa na niya talaga ang gusto niyang gawin… kay Suzy.
Sa paglalakad ni Suzy papunta sa silid kung nasaan ang sekretarya ng magkapatid, biglang bumalik sa isipan niya ang mga nangyari sa kanya. Hindi niya inaasahang maaalala niya ang mga panahong `yon. Mga panahon sinusubok ng tadhana ang buhay niya at panahong kinakalaban ng kahinaan ang buong pagkatao niya. Natatakot siyang harapin ang mga bagay bagay. Pingungunahan siya ng kaba at pinanghihinaan kaagad ng loob. At bigla nalang ulit pumasok sa isipan niya kung bakit siya nandito. Dahilan kung bakit ginagawa niya ito. Isang kaganapang nagpabago ng buhay niya.
x---x---x---x
Kinagabihan, naghahanda na ang mga empleyado para umuwi sa kanilang mga bahay. Naging sobrang nakakapagod para sa mga empleyado ang araw na ito kaya nagmamadali na rin silang umuwi upang makapagpahinga na rin. Sa kalagitnaan rin ng pag-aayos ni Joshen sa mga gamit nitong nasa mesa niya, bigla nitong narinig ang kanyang telepono. Tinignan nito ang caller ID at nakita na ang Kuya niya pala ito.
"Joshen, sa unit ka ba ngayon tutuloy? " tanong ng Kuya nito sa kabilang linya habang inaayos ang mga gamit nito
" Oo. Ikaw? Bakit mo natanong? Hindi ka uuwi ngayon? "
" Sa hotel muna ako. Nabitin ako kay Rin. Lima quota ko ngayon. " pagbibiro ng Kuya nito. Naglakad na papuntang pintuan si Joshen at lumabas na.
"Sira ulo!" pahabol ni Joshen.
Napangiti si Joshen. Umaayon sa kagustuhan niya ang nangyayari. Itinuturing niya itong swerte kapalit ng pagod at pagkabagot na naramdaman niya sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng kumpanya nila. Matapos ayusin ni Joshen ang mga gamit niya, sinarado na niya ang pintuan ng opisina nilang magkapatid at nagtungo sa katapat na silid kung nasaan naroroon ang sekretarya nilang magkapatid.
Saktong pagpasok niya ay siyang palabas na si Suzy. Inalok nman niya ang kanyang braso na ikinabigla nang dalaga pero kalaunan, isinabit naman ni Suzy ang kamay nito rito. Tinanggihan ito ni Suzy pero nagpumilit si Joshen. Pinagtitinginan naman sila ng ibang empleyado habang naglalakad, pero silang dalawa, parang walang paki-alam. Hindi na nila inisip ang mga posibleng sabihin sa kanila ng mga kapwa nila empleyado. Wala nang paki-alam si Joshen dahil ang mahalaga sa kanya sa ngayon, kasama niya sa gabing ito ang dalaga at magpapakasaya sila.