CHAPTER FOURTEEN : Boracay HINDI pa rin makapaniwala si Paulo sa mga narinig mula sa Mommy Pilar niya. Hindi niya rin nagustuhan ang mga sinabi nito tungkol kay Marissa, paanong naisip ng sarili niyang ina ang ipagtulukan siya nito sa unang pagkakataon na mayroon sa dalaga. Hindi niya lubos maisip ang lahat. Alam ng mommy niya at ni Pauline kahit na si Marissa ang relasyon nila ni Farrah. Naisip niya nlang mga nakaraan na mayroon si Pauline at Rio noon, ayaw niya isiping ipagtutulakan din siya ng sariling ina niya kay Marissa, hindi niya hahayaan. Mahal niya si Farrah at alam niyang kaya niyang ipaglaban ang relasyon na kung ano man ang mayroon silang dalawa. Agad siyang nag-ayos ng sarili. Plano niyang dalawin si Farrah, alam niyang nasa shop lang ito kasama si July at Miggy. Pupu

