[ CHALLENGE ] "GOOD MORNING, Love. Ang aga mo naman yata nagising ngayon," bungad ni Paulo kay Farrah. Katatapos niya lang magbihis nang magmulat ang mga mata nito. Hindi niya na hinintay pang gumising si Paulo kanina, agad na siyang nagbihis at gusto niyang pumasok ng maaga. "Baka hinahanap na ako nina July, kaya maaga ako gumising para maging maaga rin ang pasok ko," sambit niya rito. Pupungas-pungas pang bumangon si Paulo, halatang antok pa ito. Ano'ng oras na rin kasi sila natapos nagdaang gabi, pagkatapos nilang saluhan ang masayang sandali na mayroon sila. "Thankyou, Love," sabi sa kaniya ni Paulo. "Para saan?" "For the last night. Sobrang naging masaya ako at kasama kita, aside of that may mahabang oras tayo sa isa't isa." "Masaya rin naman ako ah," aniya rito. Umupo s

