Commenter posted blog post #5343. Blog Post # 5343: Limang Sign. Mali yata ang naging desisyon ko na i-public na ang blog ko. Dapat siguro ay gumawa na lang ako ng side blog kung saan n’yo makikita ang mga art work ko. Hindi dito. Nabasa n’yo na tuloy ang pagiging hopeless romantic kong tao. Pasensya na, tao lang, nagmamahal. Sumabog ang ask box ko dahil sa kakatanong n’yo sa buong detalye ng limang sign ko. Hindi ko alam kung bakit kayo interesado sa limang sign na hiningi ko. Hindi ba p’wedeng akin na lang `yon? Solo-in ko na lang? Kahit nga si CK ay hindi alam `yon. At oo, isa rin siya sa nangungulit sa akin kung ano nga `yung limang sign na `yon. Sasabihin ko, pero huwag kayong magugulat o tatawa. I’m a shallow person, kaya expect n’yo na ang mga sign ko ay kababawan lamang. Hindi

