Entry #9: First Stage.

1542 Words
HINIHINTAY ko si Sky sa labas ng gym nang lapitan ako ni Jonathan. Hindi ko sana siya papansinin pero ako talaga kasi `yung nilapitan n’ya at tinawag n’ya pa ako. “Ang lakas ng cheer mo kanina, a?” natatawang sabi n’ya. “Pero parang hindi yata kita narinig na sinigaw `yung pangalan ko.” Napangisi ako. “Bakit ko naman isisigaw `yung pangalan mo?” “Hindi ba crush mo ako?” mayabang na sabi n’ya. Nasamid ako at halos masuka suka na dahil sa narinig ko. Napamura ako gamit ang native language ko. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto ako sa taong `to. Buti na lang talaga maaga akong nagising sa ilusyon ko sa kanya. “Keight.” Napatingin ako sa tumawag sa akin. “Oy! Kelvin,” tawag ko rin sa kanya. “Nagkita na naman tayo,” natatawang sabi ko. “Ba’t nandito ka pa? Umuwi na sila Marco, `di ba?” tanong ko. “Dito ako nag-aaral,” sagot n’ya. Napatingin siya kay Jonathan. “Sino siya?” “A, Kelvin, si Jonathan. Jonathan, si Kelvin, kapitbahay namin at saka kabanda ng kapatid ko,” pakilala ko. Nagtanguan lang silang dalawa. Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Kelvin. “Oy, ano ka ba?” mahinang sabi ko sa kanya. “Iba tingin sa iyo nito, alis na tayo dito,” bulong n’ya. “Hinihintay ko si Sky, e,” sabi ko. Sakto nakita ko na si Sky. “Ulap!” natatawag tawag ko sa kanya. Inalis ko kagad `yung akbay ni Kelvin at tumakbo papunta kay Sky. Sinalubong n’ya kagad ako nang yakap. “Galing niyo kanina, a!” natutuwang sabi ko at niyakap din siya. “Hindi ka na rin amoy pawis,” sabi ko habang tumatawa. Kanina kasi noong pagkatapos ng laro nila niyakap ko rin siya. Pero amoy pawis talaga siya kanina. “Akala ko hindi ka manonood, e. Hindi kasi kita kagad nakita,” sabi n’ya nang humiwalay siya sa yakap n’ya. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami. “`Tol, una na ako,” paalam n’ya kay Jonathan. “Vin, una na rin kami, kita na lang tayo mamaya.” “Close na kayo ni Kelvin?” tanong ko nang makalayo na kami doon sa dalawa. “Hindi naman. Nagkakausap lang kami minsan,” matipid na sagot n’ya. Nagulat na lang ako nang nakayakap na ulit sa akin si Sky. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang nakikipagkarera sila sa isang libong kabayo. Naramdaman ko rin ang mabilis na t***k ng puso ni Sky. s**t. Kung hindi n’ya ako nahatak malamang ay nabunggo kami noong kotse na `yon. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong n’ya. “H-ha? Siguro?” nauutal na sagot ko. “Ano ba `yon? Nasa loob ng campus pero kung makapagmaneho akala mong nasa street race,” inis na sabi ko. “Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong n’ya. Tumango tango lang ako. “Cac, Sky! Tá tú ag cur fola!” hindi mapigilang sigaw ko. s**t, Sky! You’re bleeding. Tiningnan ko `yung braso n’ya. May parang hiwa doon at talagang hindi naman tumitigil ang pagdugo. Natataranta na ako. Kung ano-ano na nasasabi ko. “CK, kumalma ka. Pumunta na tayo ng clinic,” mahinahong sabi n’ya. Tumango tango na lang ako at inalalayan na siya papuntang clinic. Hindi talaga ako mapakali dahil baka kung ano ang mangyari kay Sky. Kapag may nangyari kay Sky, ipapademanda ko `yung kaskasero na `yon. Tsk. “SKY, huwag kang tatayo d’yan, ha? Ako ang bahala sa iyo, okay?” bilin ko sa kanya pagdating namin sa hide out. Medyo malaki `yung naging cut sa braso ni Sky. Mabuti na lang at hindi masyadong malamin at hindi natetano. Hindi siya p’wede magkkilos dahil baka bumuka `yung tahi sa kanya. After ilang days pa saka siya p’wedeng magbuhat o kaya ay maglaro ng basketball. “Ano daw ang gagawin nila doon sa may-ari ng kotse?” tanong ni Sky. Napatingin ako sa kanya dahil medyo malapit ang pinanggalingan ng boses n’ya. Nag-poker face ako sa kanya nang makita ko siya sa counter ng kusina. “`Di ba, sabi ko doon ka lang?” “Hindi tayo magkakaintindihan kung nandoon ako at nandito ka sa kusina,” sagot n’ya. “So, ano na nga gagawin nila doon sa may-ari ng kotse?” tanong n’ya ulit. “Sabi ni President, baka daw i-kick out. Na dapat naman talaga. Paano na lang kung hindi mo nanpansin `yung kotse n’ya? E, `di baka mas Malala pa d’yan ang nangyari.” “Hmm. Ano `yang niluluto mo?” tanong n’ya. “Ano pa baa ng alam kong lutuin?” pinakita ko sa kanya `yung balot ng instant noodles na niluluto ko, “Tada! Chicken noodles!” proud pa na sabi ko. Natatawang umiling na lang si Sky. Ngumiti lang ako at saka pinagpatuloy `yung ginagawa ko. “Lagyan mo ng itlog `yan, ha? Magpapalit lang ako ng damit.” Tumango lang ako bilang sagot. “HINDI BA babae ang tingin mo sa akin, Sky?” seryosong tanong ko sa kanya pagkatapos kong hugasan `yung pinagkainan namin. Kumunot ang noo n’ya. “Bakit mo naman na tanong `yan? Syempre babae ang tingin ko sa iyo.” “Bakit kasi lagi kang nakagan’yan? Alam mo naman pa lang babae ako,” reklamo ko sabay turo sa naka-expose na katawan n’ya. “Gan’yan ka na lang palagi, tuwing pupunta ako sa inyo. Alam mo namang darating ako pero hahayaan mo pa rin na maabutan kitang naka-boxer lang. May brief ka ba sa loob n’yan? Masyado mong in-e-expose `yung katawan mo. Alam ko namang maganda `yan, hindi ko naman ipinagkakaila `yon.” Bigla siyang natawa. “Komportable kasi ako kapag nakaganito lang ako. At, may brief naman ako! Ano namang akala mo sa akin?” “Sabihin na nating komportable ka sa gan’yan, paano naman `yung mga tao sa paligid mo? Paano naman ako? Dumudumi utak ko dahil sa iyo.” Ngumisi siya. “Pinagpapantasyahan mo talaga ako?” natatawang tanong n’ya. Nag-poker face ako sa kanya. “Seryoso, CK?” Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. “Hindi, a! Grabe na `yung pinagpapantasyahan. Naiilang lang ako kapag nakikita ko `yung katawan mo. Nawawala pagkainosente ko! Tss.” “Okay lang naman kahit pagpantasyahan mo ako. Ikaw naman `yon, e. Masama kung ibang tao.” “Baliw! Hindi naman ako manyak, `no! Hindi ko nga pinagpapantasyahan `yang katawan mo!” “Hindi? Bakit sabi mo nawawala pagkainosente mo? E, `di pinagpapantasyahan mo nga?” natatawang sabi n’ya. Akmang susuntukin ko siya pero hindi ko tinuloy. Alam ko namang masasalo n’ya, e. “Bahala ka na nga d’yan! Letse!” sabi ko at nagmartsa na ako papunta sa kuwarto ko. Blog Post #82: 19 days before Christmas. Again, wala ulit kinalaman ang title sa i-po-post ko. Hahaha. Mukhang walang na aalala si S sa kahit anong nangyari kahapon. Hindi ko alam kung maganda `yon o hindi. Parang kasing nahahati ako. May part sa akin na medyo disappointed at may isang part naman na parang nakahinga nang maluwag. Disappointed ba ako dahil hindi n’ya maalalang nag-kiss kami? O dahil may iba pang dahilan? Nakahinga ako nang maluwag dahil sa hindi n’ya maalala at normal pa rin ang pakikitungo n’ya sa akin. Magandang bagay naman `yon. At least hindi siya nagbago sa akin. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Kanina `yung mga bagay na sanay na naman ako noon na ginagawa n’ya… ngayon hindi ko alam kung bakit naiilang ako doon. Parang naging conscious na ako sa lahat ng bagay na ginagawa n’ya na noon naman ay hindi ko pinapansin o wala lang sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Ngayon lang ba ako dumadaan sa puberty? Hindi ba masyado nang late `yon? Kung kalian 19 na ako? Sabagay teen pa rin naman ang nineteen. Pero kasi nga, hindi naman nga ganito dati. Ah! Nakakainis! Puro kasi kay S ang atensyon ko ngayon kaya siguro ako nagkakaganito. Dati kasi puro kay J, pero dahil wala na siya. Puro ako ngayon kay S. Siguro kailangan ko nang ituon sa iba ang pansin ko para maging normal na ulit ako mag-isip pag patungkol kay S. Oo, tama. Ganoon nga siguro. Commenter commented on you Blog Post #82. Commenter: Tingin ko, hindi puberty `yan. Nasa first stage ka na. Kaya ka naiilang na sa kanya dahil attracted ka na sa kanya. ms-secretnoclue: First stage? First stage ng ano? Commenter: First stage ng Seven Stages of Love. Try mong i-search. :D Seven Stages of Love? Ey! Hindi ako in love kay Sky! O hindi ako p’wedeng ma-in love kay Sky! Nakakatawa rin `tong si Commenter. Best friend ko nga siya, `di ba? Hanggang doon lang `yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD