- At the Lost World -
Zeira's POV
"Kailan mo ba ako babalikan Zeira?" I saw him crying again while looking at a blue flower. I know this place. This was my secret garden when I was still in the Lairhart Kingdom. He was kneeling in front of the flower and continuously saying how sorry he was. Probably for killing me. But it doesn't really matter. Mas okay nang ako ang namatay kesa naman siya. He has nothing to say sorry about. "Kaya mo ba ako hindi binabalikan kasi kinamumuhian mo ako?" He said as his voice cracked.
I want to say no pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. I'm just staring at him. I want to hug him but I can't even move my body. Napaluhod nalang ako sa harap niya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya sinisisi. Na mahal na mahal ko siya kahit anong mangyari. Gusto kong umiyak pero wala naman akong nararamdamang luha sa mata ko. I can't even feel my own body. It feels like I'm a just mere soul wandering in this place. Like I don't really belong here anymore. Na parang kahit anong gawin ko, may hahatak at hahatak sakin paalis dito.
"Zeira, please. Bumalik ka na." That was the last words I've heard when I finally realized that it was a dream.
Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa panaginip ko. Si Wren na naman. Umiiyak na naman siya. Araw-araw nalang, napapanaginipan ko siya. Pero iba-iba. Hindi ko alam kung bakit ganun.
"Same dream?" Napalingon ako sa taong nakatayo sa pinto ng kwartong pinagstay-an namin ngayon. He looks worried pero alam kong sanay na siya. Halos 1 month na rin kasi kaming magkakilala.
Umiling ako at saka tumayo. "Not the same dream but the same person." Sabi ko at saka lumabas sa kwarto. Nilagpasan ko siya at naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.
He tsk-ed out of concern. "Wag mo na kasing isipin yang ex mo. Kaya lagi mong napapanaginipan e." Sabi niya habang pababa kami ng hagdan nitong bahay na wala namang tao. Hindi samin to. Hindi rin kami ang gumawa. Mas lalong hindi ko kilala ang may-ari. Nakita lang namin to habang naglalakbay kami dito sa Lost World. Nasa gitna ito ng isang maliit na bayan na wala ring tao. Ito lang yung pinakaayos na bahay kaya dito kami tumuloy.
Lumingon ako sa kanya nang tuluyan akong makababa ng hagdan. "For your information, Ullyses. He's my boyfriend, not my ex. At normal lang na isipin ko siya dahil mahal ko siya." masungit na sabi ko at saka nagtuloy sa labas kung saan may nakataling White Dragon sa isang puno. Umaga na pala. Pero napakalungkot pa rin ng atmosphere dito. Hindi gaya sa Lairhart. Napahalukipkip ako at tumingin sa langit. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya ako lumabas. Kapag kasi nagstay ako dun sa loob, baka hindi ako makahinga. Isama pa yung panaginip ko.
Ayoko talagang nakikitang umiiyak si Wren. Pakiramdam ko, laging kasalanan ko. It hurts like hell.
"Ano naman kung mahal mo? That doesn't mean na kailangan mo na siyang isipin minu-minuto." Napapailing na sabi ni Ully. Sinimangutan ko siya. Napakapakialamero talaga ng lalaking 'to.
"Manahimik ka nga muna. Naiirita ako sa boses mo e." Cold na sabi ko sa kanya. Pumikit ako para hindi ko makita ang pagmumukha ni Ully. Kung pwede nga lang na hindi ko siya tignan, ginawa ko na e. Werewolf kasi siya. Hindi naman siya kamukha ni Wren pero naaalala ko siya sa kanya.
Mas nainis ako nang tumawa siya. Yung tawang 'yon. Ganon ang tawa ni Wren. Yung parang galak na galak dahil nanalo siya sa pang-aasar kahit hindi naman. Nakakamiss tuloy. "Bahala ka nga dyan. Tawagin mo nalang ako sa loob kapag ready ka nang umalis. Magpapahinga lang ako sa loob." He said. Tumango ako kahit naman hindi ko alam kung naabutan niya.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga bahay na nakapaligid dito. Wala ni isang tao. Puro sira rin ang mga bahay. Kung titignan, parang may mga tumira don. Pero ang totoo, wala. Kami lang namang dalawa ni Ully ang tao dito sa Lost World e. Na sana, hindi. Kaya kami nagpapalipat lipat ng lugar araw-araw, para maghanap ng makakain at nagbabakasali rin na makakita kami ng tao o Welsh. Pero isang buwan na naming ginagawa 'yon, wala pa ring nangyayari.
Sa araw-araw na gigising ako, lagi kong tinatanong kung patay na ba talaga ako. Dahil alam kong patay na ako. Ang pinagtataka ko lang, bakit nagugutom pa rin ako? Bakit inaantok at nananaginip pa rin ako? Lahat ng nagagawa ng normal na Welsh, nagagawa ko. Pwera sa isa. Hindi ko nagagamit ang kapangyarihan ko dito. Kaya nga nagtataka ako kung patay na ba talaga ako. Bakit ganito? Am I trapped in between life and death?
At the Otherworld
Yana's POV
"Sa tingin mo babalik pa siya sa dati?" Tanong ko kay Zero habang namimili kami ng damit dito sa original Mystic Market ng palasyo. Kinuha ko ang isang plain white dress na walang kahit na anong design.
"Who?" Taka nyang tanong habang nakatingin lang sa'kin habang inilalabas ko ang rose ko. Hindi ko naman talaga kailangang gumamit nito but I like to use it along with my Light dahil nababalanse nito ang kapangyarihan at energy na inilalabas ko. Marahan ko yung idinikit sa dress na plain white na hawak ko. Lumabas naman ang tunay nitong design. It has a floral pattern with some gems inside its flowers. Kumikinang iyon kapag natatapat sa sinag ng araw. I like it!
"Si Wren. One year na ang nakalipas pero parang hindi pa rin siya nagbabago simula nung namatay si H-heiress. He's still blaming himself for everything." I sighed and looked at him. He's also bothered. Heiress Zeira was my bestfriend at hindi yun nagbago for me. She's still my one and only bessy. I miss her so much but alam ko namang hindi siya matutuwa kung patuloy kaming magdudusa sa pagkawala niya.
Zero shrugged. "Maybe he still needs time. Wag natin siyang pangunahan." He said and smiled. I heaved out a deep sigh and smiled back. That's why I love this guy. He never fails to make me feel better. "Hindi pa ba tayo aalis? Baka hinihintay na tayo nila Roanna." He asked.
I almost shrieked nang maalala kong may pupuntahan pa nga pala kaming party sa Arunafeltz Kingdom! "Oh my! Muntik ko nang makalimutan. Just wait here. Babayaran ko lang 'to." I said. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at saka ko nilabas ang ilang Welney na dala ko. Yun ang tawag sa pera dito sa Otherworld.
Pagkatapos kong bayaran yung dress ay bumalik na ako kung saan ko iniwan si Zero. But I found no one. Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng shop pero napatigil ako nang makita ko siya sa labas na may kausap na isang Welsh na babae. Tumaas agad ang kilay ko at nagmamadaling lumapit papunta sa kanila.
"Ah wala 'yon. Basta mag-iingat ka na sa susunod." Napapakamot pa sa ulo si Zero habang kausap yung babae na halos kaedad lang rin namin. Ngumiti ito sa kanya. Nakakasuklam ang ngiti niya! Inaakit niya ang Zero ko! Tumikhim ako at napalingon sila sa'kin. Ngumiti ako ng nang-aasar at saka lumapit kay Zero. Isinukbit ko sa braso niya ang braso ko.
"Hi boyfie!" Sabi ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Napangiti siya ng alanganin sa'kin. Tumingin ako bigla dun sa babae at tinaasan siya ng kilay. Nakangiti lang rin siya sa'kin. Oh my! Nag-aasar ba siya? "Who's this?" Sabi ko at saka siya tinignan mula ulo hanggang paa. Sa tingin palang, alam ko nang Witch siya.
"Ah. I don't know. Tinulungan ko lang siya dahil nahulog yung nga dala niya." Paliwanag ni Zero ko. Sumimangot ako.
"Uhm, hi. I'm Chelsea. I'm a Witch." Inilahad niya pa ang thumb niya sa'kin pero tinignan ko lang 'yon.
"I'm Yana. Sorceress Leader. And this is my boyfriend. He has no name for you." Mataray na sabi ko at saka hinila si Zero. "Let's go, boyfie!" Napasunod naman siya sakin. Pero nainis ako nang magbye pa siya dun sa babae kaya humiwalay ako sa kanya nang makalayo kami.
I crossed my arms while walking. Hawak ko sa kaliwang kamay ko yung pinaglagyan ng dress. At hindi na ako nagulat nang biglang umakbay sakin si Zero. Kinikilig ako pero hindi ko pinahalata.
"That was so rude." He then chuckled but I didn't respond. Nagsalita naman siya ulit. "Saan mo pala nakuha yung boyfie na 'yon?" Ngayon naman, tumatawa na siya. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya ng masama kaya napatigil siya.
"Sa Mortal World! Narinig ko yun sa isang mortal couple." I said before walking.
--
Nakarating kami ng matiwasay sa Arunafeltz kasama sila Alistair Syndrie, Mishiena, Yumi, Yuki, Wren pati na rin ang ibang Wolves. Kasama rin si Nijel, King Arcanus and the Senior Leaders. Nakakamiss lang dahil lagi naming kasama si Heiress sa mga ganitong pagkakataon pati na rin si Jae.
Ibang iba na ang Arunafeltz Kingdom kesa nung huli naming punta dito one year ago. Maaliwalas na ito gaya ng Lairhart Kingdom. Sa bagay, iba na rin kasi ang namumuno. Ibang iba si Roanna sa tatay niya. Hindi siya sakim sa kapangyarihan gaya ng tatay niya. Hindi rin niya isasaalang alang ang buhay ng mga nasasakupan nya dahil sa sarili niyang kagustuhan. Her father was nothing compared to her. At ngayon nga, ipinasa na sa kanya ang trono, officially.
Magiging sister kingdom na ng Lairhart ang Arunafeltz. Pero ang Lairhart pa rin naman ang mamumuno sa buong Otherworld. Yun din kasi ang gusto ni Roanna. Kung hindi sana nawala si Heiress, parehas sila ni Roanna na namumuno ngayon sa buong Otherworld.
"Still bothered?" I looked at Zero na nakabalik na pala. Kumuha kasi siya ng maiinom. Nagsasayaw na halos lahat pero kami, nakaupo lang muna dito dahil medyo wala ako sa mood. Kinuha ko yung hawak niyang isang baso at tumango. Napatingin ako kay Wren na tahimik lang na umiinom sa isang sulok. "Alam mo kung hindi ko alam na mahal mo ako, baka nagselos na ako kay Wren." He said as he sat beside me.
Napangiti ako sa kanya. "Why? Hindi ka ba nagseselos?" I pouted. Nagulat ako when he gently kissed my lips. This guy's never cease to surprise me.
"Why would I? I know you love me, girlfriend." He then winked. Hindi ko maiwasang hindi magblush dahil dun. Pero ngumiti ako sa kanya.
"You know me that much, huh?" I teased.
Natawa siya pero natigil kami sa paghaharutan nang biglang may mga bulinggit na nagsalita.
"Bakit ang sweet niyo?" Tanong ni Yumi but I just stick my tongue out at her.
"Oo nga! Bakit ang tamis nyo?" Segunda naman ni Yuki. Parehas silang nakahawak sa mga bewang nila at nasa normal height sila ngayon dahil nakasuot sila ng dress. Natawa lang si Zero sa kanilang dalawa.
"Humanap na nga lang kayo ng mga lovelife nyo nang hindi kayo nanggugulo samin." Nang-aasar na sabi ko. Dahil nandito sila, lumapit na rin yung iba samin. Syempre, bukod kay Wren. Maybe he's still contemplating things.
"May lovelife naman kami!" Yuki said.
"Sino namang lovelife nyo?" Natatawa-tawang tanong ni Mishie.
Biglang tumingin si Yuki kay Mishie at tumuro sa tabi nito. Nijel Lrindoza. Napakunot ang noo nito. "Ako?" Napaturo pa siya sa sarili niya.
Hindi nagsalita si Mishie pero si Syndrie, natawa lang sa kanya. "Lovelife niyo si Nijel?"
"Hindi naman ako e--" bago pa man makatapos si Yuki ng sasabihin ay nabatukan na siya ni Yumi.
"Ano ba, sissy! Napaka-ingay mo!" Sabi nito.
Lahat kami napatingin sa kanya. Namumula siya. Lalo na nung tinawanan namin siyang lahat. Don't tell me she likes Nijel? Sa bagay, gwapo naman si Nij.
Napatingin ako kay Zero when he held my hand. Tumayo siya at mukhang gusto nya nang magsayaw. Medyo naayos na naman yung mood ko kaya tumayo na rin ako. Narinig ko pa nga sina Syndrie at Riley na nagtatalo dahil lang sa pagtawag ni Riley sa kanya ng 'baby'. Masaya naman ang party na 'to. Kahit may ibang nag-iba samin. May mga nadevelop na feelings. May mga in denial pa. At may nagluluksa.
Pero mas masaya sana, kung nandito si Heiress.
At the Lost World
Zeira's POV
"Aah! Wuwu!" Napahawak ako nang maayos kay Wuwu, yung White Dragon ko na one year ko nang kasama dito sa Lost World. Sinabi ko ngang walang tao dito o Welsh pero maraming mga kakaibang hayop. Pati na rin White Dragons. Siya yung kasama kong magpalipat lipat ng lugar dito sa Lost World bago ko pa man makita si Ully.
"Zeira!" Narinig kong sigaw ni Ully. Gabi na at naglalakbay pa kami. Wala pa kasi kaming makitang maayos na pag-i-stay-an. Puro mga puno lang ang nakikita namin dito. Nasa himpapawid kami nang bigla nalang mabilis na lumipad si Wuwu pababa.
"Wuwu! Ano bang ginagawa mo?" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya nakikinig sa'kin! Patuloy lang siya sa pagbulusok pababa. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Napayakap tuloy ako ng sobrang higpit sa kanya.
"Zeira! Kumapit kang mabuti!" Hindi ako makatingin sa likod ko pero alam kong nakasunod samin si Ully kasama yung White Dragon niyang si Uno.
Napapikit ako dahil mas lalo lang bumibilis ang paglipad ni Wuwu pababa. Parang masusuka na ako dahil sa sobrang bilis ng andar niya. Hindi ko rin makita kung saan siya papunta dahil nakapikit ako. Halos lahat na nga yata ng santo, natawag ko na. Wala akong kapangyarihan dito at siguradong mamamatay ako kapag nahulog ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang biglang huminto si Wuwu. Nakalapag na pala siya sa lupa. Kahit nanginginig pa ang buong katawan ko, bumaba na agad ako sa pagkakapagkakasakay ko sa kanya.
Nakaramdam ako ng ingay nang gumawa ng kakaibang ingay si Wuwu. Na parang may nakikita siyang hindi kaaya aya. Iwinagwag niya rin ang mga pakpak niya kaya nakita ko ang tinitignan niya. Nagulat ako dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung anong irereact. Nasaan ba talaga kami?
"Zeira! Ayos ka lang ba?" Hindi ko pinansin si Ully na nasa tabi ko na ngayon. Mukhang nakita nya rin kung ano ang tinitignan ko kaya nakita ko kung paano siyang hindi nakareact for a moment. "A-ano to?" He asked, more to himself.
Napailing ako. "Hindi ko alam."
Nakatingin lang kami parehas sa isang malaking magic circle sa isang patag na lupain. Walang tao dito pero sigurado akong kagagawa lang ng magic circle na 'to. Hindi ko alam kung para saan ang magic circle na 'to pero may mga symbols akong nakita dati sa mga librong nabasa ko habang nasa Lairhart pa ako. Symbols of Death, Reincarnation and Life.
What's the meaning of this? Nasaan ba talaga kami?