Continuation...
"Sabagay. Pero ang tanong, does he feel the same? Kung hindi naman, move on kahit hindi nagka-label!" ani ko sabay hagalpak ng tawa. As easy as that. Maybe it's just really infatuation. I hope so.
"Good, Via! Kapatid nga kita. Manang-mana ka sa'kin, pati kagandahan ko namana mo rin! Pero mas maganda pa rin ako sa'yo, 'no!"
Sinabayan ko siya sa pagtawa.
Parang gumaan ang loob ko dahil concern lang pala siya sa 'kin noong mga nagdaang araw kaya ganoon ang iniasta niya. No need to think that she's suspicious or there was a dark meaning behind my nightmare or dream. It's just a dream, alright.
"Tayo lang nagmanahan dito, Ast. Hindi kasali ang isa d'yan!" pang-aasar ko kay Akemi kahit na ang totoo'y ako naman talaga ang naiiba sa kanila.
Ngumuso ito at pareho kaming sinamaan ng tingin.
"Ang sasama n'yo. Kung kahapon halos magpatayan na kayo sa simbahan tapos ngayon para kayong mga shunga d'yan na pinagtutulungan ako, ha?!"
Nagulat na lang kami nang sabay niya kaming binato ni Astrid ng mga unan. Naghagisan lang kami ng mga unan hanggang sa bumukas ang malaking pintuan lulan ang mga masasamang nilalang—chos. Sila Mommy at Daddy lang... at mga lalaki't babaeng pinsan ko sa father side!
"Pasali naman d'yan!" Agad na lumapit sa amin si Maxine na ka-edad ko lang, sa amin. Makukulit ang mga pinsan ko kaya naman puro kabaliwan ulit napag-usapan namin, pati kamustahan ay ang tagal natapos!
"So, sino nga ulit ang mag-18 na bukas pero NBSB pa rin?" patutyang tanong ni Austin, ang gago rin minsan na pinsan ko. Halos magkaka-edad lang kami kaya wala nang kuya-kuya at ate-ate, maliban na lang kay Akemi. Na-late kasi.
By the way, nagpunta silang lahat dito para sa practice ng cotillion para bukas sa debut ko. Ngayon lang nagka-oras ng practice dahil nag-enjoy daw sila sa kanilang summer sa Cebu. Pito silang lahat, apat na babae at anim na lalaki. 18 pairs din kasi ang kailangan sa sayaw. Kasali mga kapatid at kaibigan ko, at ako rin at ng escort ko raw na hindi ko pa alam kung sino. Ah, basta sila Mommy na bahala.
Nagsidatingan na rin sila Avy at Liza kasama ang kanilang mga kuya para maging partner nila para kumportable rin daw. Bale, 9 girls at 9 boys sa cotillion. Sa girls ay sina Astrid, Akemi, Avy, Liza, Maxine, Safirra, Vally, at Chasehid. Sa boys naman ay sina Austin, Travis, Joshua, Vince, Vance, Vesper at ang kuya nila Avy na sina Ares at Lance... hindi ko alam sino ang pair ko.
"Gago ka, Austin!" asik ko sa kaniya at sinapak ang braso niya. Napa-ouch pa.
Nakisali na rin sila Avy at Liza sa amin na parehong na-out of place kaya naman nginitian ko sila. Ang mga kuya nila ay nakipag-high five sa mga pinsan kong lalaki dahil magkakilala rin pala ang mga ito.
"Hoy, Eli, 'di mo kami in-inform na ang po-pogi pala ng mga pinsan mo, jusko," bulong ni Liza. Tinawanan ko siya. Ang landi. Paano na si Lloyd n'yan?
"Landi mo."
"Listen, kiddos, the trainer is about to come in a minute, maghanda na kayo. Grab your partners na!" paalala ni Mommy sa amin. Tumango kaming lahat.
Panay lang ang kwentuhan namin ng mga pinsan ko. Nakikisali rin sila Avy at Liza dahil hindi naman nakaka-OP ang mga topics namin.
"Via, retohan kaya kita? Dami kong kakilalang lalaki eh, sa'yo na ang isa!" saad ni Safirra. Playgirl kasi ang isang 'to.
"Anong madaming lalaki, Saf? Bakit wala kang sinasabi sa'kin, ah?" singit ni Travis, ang kuya niya.
Hala, nagalit si kuya.
"Well, reserved ko lang para sa mga walang jowa rito gaya nina Astrid, Via, si Vally, eh 'yang si Chasehid at Maxine, may mga jowa nga para namang unti-unting gi-no-ghost!"
"What? Alvin is not a ghoster 'no, he loves me kaya. I'm gonna be his asawa someday!" si Chasehid, pinaka-conyo naming pinsan.
Sakit sa ears.
"You're just 17, Chase. Tingin mo ba forever mo na 'yan? Sus, asa! Iiwan ka lang din n'yan, tapos magiging bitter—"
"Katulad mo, Joshua?" putol ni Astrid.
Napuno ng tawanan ang buong sala dahil sa reaksiyon ni Joshua
"Mga ate at kuya! Nakaka-OP naman kayo, hirap maging bata rito!" reklamo ni Akemi habang nakanguso.
"Tara, Akemi! Kunin natin barbie mo para may kasama kang maglaro!"
Binatukan ng mahina ni Akemi si Vince. "Gago, kuya, ginawa mo naman akong bata d'yan!"
"Kasasabi mo nga lang na hirap maging bata, ah," sabay-sabay naming wika.
"Wushoooo! Grab your partners na nga! Duh, natulala naman kayo sa ganda ko!"
Umakto si Safirra na parang nasusuka. ''May masamang hangin, help!"
Namili na rin sila ng gusto nilang maging partner. Bukas pa darating sa mismong debut ko ang mga pinsan ko sa mother side, halos lahat lalaki kaya sinali sila sa 18 roses ko. Hindi ako namili sa mga lalaki kong schoolmates kasi wala naman akong ka-close, 'di ako magiging kumportable.
"Mom, sino nga po magiging escort ko? Baka 'di darating 'yon ngayon. Wala akong magiging pair," pamimilit kong tanong kay Mommy. Curious na ako at the same time kinakabahan kasi baka 'di darating.
Kagagaling lang ni Mommy magsagot sa isang tawag. "Dadating siya, Anak... malapit na. Nagkausap na kami ng Mommy niya. Kaya don't feel nervous."
I sighed in relief but still curious if who's that guy. Ganito kasi ako, mas lalong na-cu-curious kapag binibitin ako.
"Kilala ko po ba 'yan?"
"Yeah, magkakilala na nga kayo mula nang maliit pa. You both used to play together in a short period of time."
Nagtataka akong napatingin sa kaniya. May ganoon bang nangyari?
"Huh? Wala naman akong maalala, Mom. Baka prank lang 'yan, ah? You also used to prank me sa tuwing malapit na birthday ko. Sanay na ako riyan, Mom, sus!"
Natawa siya. "Totoong lagi akong nang-pa-prank sa'yo sa past birthdays mo, but now, it's different kaya maniwala ka sa 'kin. Dadating din sila maya-maya."
Dumating na ang babaeng trainer pero wala pa rin ang magiging escort ko. Sila muna ang tinuruan dahil wala pa ang pair ko.
"Via, stand there," aniya sabay turo sa dulo ng hagdanan. Sinunod ko siya.
Ang mga pinsan at mga kaibigan ko naman at nasa unahan ko kasama ang partners nila. Bale, sila ang mauunang maglakad patungo sa baba ng stage at ako at ang aking escort ang mahuhuli.
"Pero wala pa po akong partner."
"It's okay. Just imagine na lang na may katabi ka. According to your Mom, on the way na daw 'yong magiging escort mo. Hindi ba ikaw 'yong pumili?"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang maisip kung sino ang magiging escort ko. Si Mommy kasi, aniya matagal na raw itong pinlano. Naiiyak ako. Paano nga kung in-arrange marriage na pala ako? Labag ito sa human rights ko!
Umiling ako. "Hindi po. Wala rin naman akong mapili kasi wala naman akong boyfriend or ka-something saka hindi ko rin ka-close mga lalaki kong schoolmates."
"Sa ganda mong 'yan?" She shot me a curious glance.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Sanay naman ako sa ganiyang mga salita.
"Okay, so first step—"
Biglang bumukas ang pintuan, dahilan para matigil din ang trainer sa pagsasalita. Parang nag-slow motion pa ang lahat nang makita ko si Tita Lazel— ang best friend ni Mommy na pumasok sa loob, habang nakasunod sa kaniya si Bryle na pansin na pansin ang pagkaka-ayos ng buhok habang naka-pamulsa.
Namilog ang mga mata ko nang may ma-realize. Pati mga babaeng pinsan ko ay nakatulala dahil may nakitang gwapo, except kay Vally na walang pakialam sa paligid.
"Eli, siya 'yong escort mo?" bulong sa 'kin ni Avy pero hindi ko siya sinagot dahil nakatitig lang ako sa harap.
"Long time no see, Astraea! So, nahuli ba kami ng dating ng pogi kong anak?" nakangiting ani Tita matapos makipag-beso kay Mommy.
Nagtama ang paningin namin ni Bryle nang iginala niya ang kaniyang paningin. Nakita ko rin ang gulat sa mga mata niya. For a moment, our eyes were locked into each other. Ang bawat pagkurap niya sa kaniyang mga mata ay tila bumagal, maging ang marahang pagsayaw ng hangin sa kaniyang buhok na tumatama sa kaniyang kilay.
"You're just on time, Lazel," ani Mommy. Halos hindi na ito napagtuunan pa ng aking pansin dahil focused ang mga mata ko kay Bryle.
"Oh, pogi, halika na sa tabi ni Via!" agad na sabi ng trainer.
Naglakad naman papalapit sa 'kin si Bryle. Naka-plastar pa rin ang gulat sa buo niyang mukha. Pareho naman naming hindi inaasahan 'to... gusto ko ngang kurutin ang sarili kong mukha dahil baka paniginip lang 'to.
Hindi pa rin halos ma-proseso sa utak ko ang lahat.
Si Bryle ang anak ni Tita Lazel na matagal kong hindi alam dahil 'di napakilala o kung napakilala man, baka nakalimutan ko na.
At...
Siya ang escort at childhood friend ko raw?