Chapter One

2371 Words
Kung sino man ang makakakita sa'kin ngayon ay siguradong iisipin na napaka-busy kong tao at hindi pwedeng istorbohin. Nagkalat kasi sa study table ko ang mga papel na pinagsulatan ko ng drafts ng mga algorithm habang tutok na tutok ang mga mata sa laptop. Tahimik ang buong bahay. Kami lang kasi ni Daddy ang nakatira rito at kasalukuyan naman siyang nasa trabaho. Ang kasama ko ngayon ay ang mga gay best friends kong sina Kim at Mel na nasa sala at lanai habang gumagawa rin ng project. Dito kasi namin sa bahay napagpasyahang mag-aral. Tutal ay kami naman ang magkakagrupo sa paggawa ng mga case study na ibinigay ng professor namin sa isang major subject. Kung tutuusin ay ilang araw na lang bago magbakasyon, pero heto't naghahabol pa kami ng deadline sa pagpasa ng mga requirements. Mabuti na lang at napagkasunduan naming tatlo na maghiwahiwalay ng working space para maiwasan ang chikahan. At dahil diyan, malaya akong magliwaliw dito sa kwarto ko. "And the winning streak of the Ateneo Lady Eagles continues!" the commentator announced. "Yes!" halos pabulong kong sigaw sabay suntok pa sa hangin. Ang totoo kasi niyan, kahapon ko pa tapos ang problem na naka-assign sa'kin, kaya naman papetiks-petiks na lang ako ngayon. Limang problems per group ang ibinigay ni Prof at dahil by three lang naman ang grouping, kinailangan naming idaan sa kompyang kung sino ang isang problem lang ang gagawin. Siyempre, ako ang panalo. Siyempre, varsity ako eh. Kaya sa halip na mag-aral, heto ako't nanonood sa youtube ng na-miss kong volleyball game ng manok ko sa UAAP. Ayaw ko namang sabihin muna sa dalawa ang totoo. Mahirap na at baka sa'kin pa ipagawa ang problem na di pa nila tapos. Yakang-yaka na nila 'yon. Kaming magkakaibigan yata ang pinaka-grade conscious na group sa klase. Maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell. Nandyan na siguro 'yung inorder naming foods na pinagambagan pa namin. At mukhang di nga ako nagkamali. Dahil di nagtagal ay may narinig na akong footsteps sa labas ng kwarto ko. Mula sa youtube, mabilis kong inilipat ang tab at nagkunwaring inaayos ang debug ng program ko. "Kabsat!" maarteng tawag ni Kim sa akin habang nakasandal sa may pinto. "Yes?" I asked lazily and even had the nerve to stretch my arms, para mas convincing. Hehe. "Tara. Mag-meryenda muna tayo. Dumating na iyong pinadeliver natin," imporma nito saka nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa lanai. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang tila binagyo kong study table at sumunod na rito. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko. Ang bilis talagang lumipas ng oras, di ko na namalayang kanina pa pala ako nanonood ng game. Pagdating sa lanai ay naabutan namin si Mel na sinisimulan nang lantakan ang pagkain. "Siya nga pala Tammy, 'pag natapos mo na iyong program, paki-share na lang sa google drive namin ni Mel. Ganun din ang gagawin namin, share na lang namin sa drive mo iyong programs namin. Para mapag-aralan nating maigi bago iyong defense. Ako na ang bahalang mag-produce ng hard copy. Tapos ikaw na ang mag-email kay ma'am ng soft copy. Don't forget iyong dalawang format na kailangang i-send sa kanya ha?" pag-iinstruct ni Kim pagkaupo namin. "Copy!" tipid na sagot ko sabat dampot ng isang slice ng pizza. "Hay naku. Nakaloka naman kasi 'tong si ma'am Jec. Kung kelan magbabakasyon saka naman nagbigay ng pagkarami-raming case study," rekalamo ni Mel habang nagi-scroll sa laptop niya. Iisipin ko sanang dino-double check niya ang codes na ginawa niya kung hindi ko lang nakita ang pagtu-twinkle ng mga mata niya. Senyales na naka-online ito at malamang ay ini-stalk na naman ang crush niya. "Buti na lang at hinayaan niya tayong pumili ng groupmates," sabi ng Kim saka maarteng lumagok ng coke. Kulang na lang ng background music para kunwari ay commercial. "Sinabi mo pa!" pagsang-ayon ko. "Nung last time na siya ang nag-group sa atin, ang tatamad nung members na nasalihan ko. Kay pareng google lang gustong umasa ng codes. Tapos, pagkabigay sa kanila ng programs na pag-aaralan na nga lang, nganga pa rin pagdating sa defense. Kaimbyerna!" ungot ko. "Di bale kabsat, konting push na lang at maitatawid na natin 'tong semester na 'to," sabat ni Mel na hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop niya habang panay ang subo ng fries. "Pero for sure, mas pahirapan na sa pasukan dahil magiging third year na tayo," sagot ko. "I agree. Lalo na 'pag naging Prof natin si Sir Aquino. Balita ko pa man din, terror 'yon. At wala pang fifty percent ng isang klase ang nakakakuha ng matinong grade mula sa kanya. Swerte ka na raw kung tumatagingting na tres ang ilalagay niya sa class card mo," dagdag pa ni Kim. "Hay...You know what guys, madalas tinatanong ko ang sarili ko kung bakit BSCS ang course na kinuha ko. Feeling ko, pinapahirapan ko lang ang sarili ko rito eh," nakapangalumbabang litanya ko. "Same, kabsat. Same," segunda ni Kim. "Dala lang yata ng kalasingan sa coke kaya ko tinangkang ligawan ang programming eh." "Asus. Anong coke? Ang sabihin mo sinundan mo lang si Ven noong entrance exam kaya ka napadpad sa department namin. Iyong crush mong nawawala iyong mga mata 'pag tumatawa," pang-aasar ni Mel kay Kim sabay tawa ng nakakaloko. "Tse! Kesa naman iyong crush mong taga educ na sobrang batang tingnan. Mukhang fetus," ganting asar ni Kim. "Fetus agad? Di ba pwedeng baby face lang?" "Baby face my foot!" Nagsukatan ng tingin ang dalawa na animo'y nasa staring contest na kung sino maunang kumurap ay talo. Pero ilang saglit lang ay sabay silang lumingon sa akin. 'Tsk. Mukhang alam ko na kung saan na naman papunta 'to.' Agad akong tumingin sa ibang direksyon at nagkunwaring abala sa pagbibilang ng dust particles. Narinig ko pa ang eksaheradang pagtikhim ng dalawa. Mukhang hindi effective ang pagpa-patay malisya ko sa dalawang pares ng mga matang pumupukol sa'kin ng mga makahulugan at nang-uusisang tingin. "Eh ikaw Tammy?" nanunuksong tanong ni Kim. "'O? Bakit naman ako nakasali diyan?" "Hoy Tamara Suarez, wag ka ngang painosente diyan." "Utang na loob kabsat, tantanan niyo ako sa usapang crush na iyan," angal ko sabay kuha ulit ng slice ng pizza. "Matanong nga kita kabsat," seryosong sabi ni Kimmy. "Basta wag lang tungkol sa history at math, tinatamad akong mag-isip," pagpapaunang sabi ko habang isa-isang isinusubo ang toppings. "Tao ka ba?" parang seryosong tanong nito. "What do you think?" balik-tanong ko sabay kagat sa pizza na hawak ko. Kung pizza pa nga bang matatawag iyon dahil wala nang toppings. "HINDI!" with conviction pang sabay na sigaw ng dalawa. Muntik pa akong mahulog mula sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat. 'Ba't bigla yatang tumaas ang boses ng dalawang 'to. Mahihiya ang whistle note ni Mariah.' "Tama! Dahil kung tao ka, dapat kahit papaano ay nakakaramdam ka rin ng attraction," Mel concluded. "Isa kang alien!" pang-aakusa pa ni Kim habang nakaduro sa 'kin ang mapilantik nitong hintuturo na akala mo naman ay may nagawa akong kasalanan. "Kimmy is so right! You're an alie---" "Enough!" awat ko saka iminuwestra ko pa ang mga palad ko sa tapat ng mga mukha nila. "Ang OA niyo ha." Huminahon naman ang mga ito. "Eh kasi naman kabsat, concerned lang kami sayo. Wala ka man lang nababanggit sa'min na crush mo. Tapos, pag may cutie na nagpapalipad hangin sa'yo, ang sasabihin mo lang..." Tumikhim pa ito saka, "Mas gwapo pa ako diyan eh," panggagaya nito sa pananalita ko kaya di ko mapigilang matawa. "Minsan tuloy nagtataka na ako kung bakit mahilig kang manood ng basketball games. Ewan ko kung dahil ba sa mga fafable na players? O baka naman frustration mo ang sumali at maging kabaro nila." "Oo nga. Sayang naman kung ganun. Maganda ka pa naman. Well, hindi nga lang kasing ganda ko, pero at least---" natigilan naman si Mel sa pagsasalita nang maramdaman ang masamang tingin na ipinupukol namin sa kanya. Tama bang magbuhat ng sariling bangko? "Hindi pwedeng mag-joke?" kunwaring paliwanag nito. "So as I was saying, maganda ka at matalino din naman---" "Ba't parang napipilitan?" pagsingit ko. "Sshh... At hindi rin naman maipagkakailang may mangingilan-ngilan ding nagpapalipad hangin sa'yo---" "Is that a compliment or what?" "Sshh.. Wag ka ngang sabat ng sabat, pwede? Hindi pa ako tapos eh," naka-crossed arms pa nitong saway bago itinuloy ang paglilitanya. "Iyong totoo kabsat, tomboy ka ba at itinatago mo lang sa 'min o sadyang choosy ka lang?" "Growing up with a basketball fan Dad, sa tingin mo, paano ko hindi makakahiligan ang manood ng basketball? Saka lahat naman halos ng sports sa UAAP pinapanood ko, not just basketball," I reasoned out. "And one more thing, hindi ako choosy. Hindi lang talaga ako easy to get. Hindi naman porque nag-wave na sa'yo sa messenger at pinusuan ang post mo sa IG ay ila-like mo na rin iyong tao. Aba! Kahit pa nasa 21st century at streaming era na tayo, dalagang Filipina ata 'to 'no!" with conviction ko pang dagdag. "Ay! Ang taray kabsat. Paki ulit nga at iti-tweet ko," sabi ni Kimmy sabay labas ng iphone niya. "Tsk," I hissed. Ang haba ng explanation ko tapos iyon lang ang sasabihin. Dumampot ulit ako ng isa pang slice ng pizza saka itinaas ang paa sa katabi kong upuan. Sinimulan ko ulit isubo isa-isa ang mga toppings. "Okay, I have a confession to make," I began."Truth is, I had a crush before." Tiningnan ko ang dalawa at muntik na akong matawa sa hitsura nila. Mukha silang mga batang estudyante na matamang nakikinig at sabik na nag-aabang sa kwentong pambata ng teacher nila. 'Tsk. Mga abnormal talaga' naiiling kong sabi sa isip ko. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagkukwento. "His name was Aki. Nakilala ko siya noong elementary pa ako at nagbabakasyon sa probinsya nila Daddy." "La Union?" sambit ni Mel. I nodded in answer. "I can still remember the first time I saw him. It was one afternoon, I was painting under the acacia tree when I saw him watching the sunset. Siya ang unang lumapit sa'kin at doon nagsimula ang pagkakaibigan namin... I can still remember how much he loved watching the sunset. Because of him, I learned to appreciate it too. Sabi pa nga niya, his life was like the sunset. At hanggang ngayon ay palaisipan pa rin iyon sa'kin... I can still remember that we promised each other to spend every summer in La Union together. We were bestfriends, partners in crime. He was part of my life as I was part of his." I smiled bitterly. "At least, that's what I thought. Pero isang araw, dumating ako sa tabing dagat at umupo sa malaking bato na lagi naming pwesto. And I found myself watching the sunset..." I paused. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling nagsalita "...alone." Tumingala ako para iwaksi ang mabigat na nasa loob ko. Pero tila nananadya ang pagkakataon. I saw birds seem to dance tinikling on cable wires. Naalala ko tuloy bigla ang mga ibong naglalaro sa mga sanga ng acacia noong bata pa ako. I suddenly remembered my childhood. Mabilis kong inalis doon ang tingin ko. "So ayun, hanggang ngayon ay wala pa rin akon balita tungkol sa kanya," pagtatapos ko sa kwento. Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang wag makibalita. Maging ang mga kaibigan namin sa La Union ay iniwasan ko sa social media. Its been what? Five, six years? Maya-maya'y marahas akong bumaling sa dalawa nang marinig kong may sumisinghot. At nakita ko sila na parang mga baliw na nagpupunas ng invisible tears nila. "'O, anyare sa inyo?" nagtatakang tanong ko. "Eh kasi naman kabsat, pang MMK ang pagkakakwento mo," sagot ni Mel habang patuloy pa rin sa pagpupunas kunwari ng luha niya. "Oo nga. Saang nobela mo naman nakuha iyan?" "Hanep!" kunwari ay namamanghang sambit ko. "Kita mo 'tong dalawang 'to. Noong hindi ako nagkukwento, may nasasabi kayo. Tapos ngayon naman na nagkwento ako, ganyan naman ang makukuha kong comments sa inyo. Are you really my friends?!" "Ikaw naman kabsat, hindi ka na mabiro," biglang bawi ni Mel sabay nag-peace sign sa'kin. "Pero naisip ko lang ha...Baka naman kaya wala kang nagugustuhan sa mga fafable na umaaligid sa 'yo ay dahil hindi ka pa nakaka-move on kay Aki. Kasi nga di ba, he just suddenly poofed out of your life?" "Anong move on ang pinagsasabi mo diyan? Hindi naman naging kami, crush lang. At saka ang babata pa namin noon," I defended. "Oo nga naman Mel. At pwede ba, wag mo ngang kusintihin 'tong babaeng 'to. If I know, she is just making up a story para tigilan na natin siya." Agad akong dumampot ng isang pirasong pineapple chunk at ibinato iyon kay Kim. "Ay, ano ba kabsat. Wag kang magkalat, baka akalain ni Tito ay kami ang may gawa." "Ewan ko sa'yo," mataray kong sabi saka pabiro siyang inirapan. Napansin kong natahimik ang dalawa.Paglingon ko sa kanila, nakatingin sila sa isa't-isa at bakas sa mga mukha ang kanilang signature look na 'naiisip mo ba ang naiisip ko?'. Tsk. Heto na naman po sila. For sure, may naiisip na namang kalokohan ang dalawang abnormal na 'yan. Ilang sandali pa'y halos sabay silang naglabas ng bente pesos at inilapag sa mesa. "I bet, hindi nag-eexist si Aki at gawa gawa lang ni Tamara ang summer chuchu nila," buong pagmamalaking sabi ni Kim. "I bet Aki exists and Tamara is not yet over him," with conviction din saad ni Mel. Seriously?! Tama bang harap-harapan akong pagpustahan ng sarili kong bestfriends? Dumampot ako ng dalawang pirasong french fries saka iyon ibinato sa kanila. Sabay pa silang napalingon sa 'kin at tiningnan ako ng masama. Paanong hindi nila ako sasamaan ng tingin, eh nasapol ko lang naman sila sa mukha. "Ha ha ha---" Nabitin sa ere ang pagtawa ko nang maramdaman ang magkasuod na bagay na tumama sa mukha. The next thing I knew, ang dalawang abnormal naman ang humahagalpak ng tawa. "Ah... Gusto niyo ng ganyanan ha?" may pagbabantang sabi ko sa kanila saka dumampot ng fries at ibinato ulit iyon sa kanila. And knowing how crazy and competetive these friends of mine are, they will surely not accept defeat. Kaya nagsimula nang umulan ng pagkain at napuno ng tawanan at sigawan ang dapat sana ay tahimik naming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD