Prologue

1066 Words
Tamara is always looking forward to every summer break. She's excited about going back to La Union and spending time with her best friend. Lalo pa at ito na ang huling summer nila bago mag-high school. They say high school life is fun, but it also means you have to study harder. Kaya bago pa dumating ang panahong siguradong magiging busy sila, gusto niyang i-enjoy muna ang bakasyon. Pinuntahan niya si Aki sa rest house ng mga ito at naabutan itong nahihimbing ng tulog. May napansin siyang picture sa night stand nito. She smiled. It was a photo of him, looking so cute in his school uniform. Nanibago nga lang siya dahil alon-alon ang buhok nito roon at seryoso ang hitsura. Malayo sa makulit niyang bestfriend na lagi siyang inaasar. Kunsabagay, may pagka-moody ito. Kaya marahil ay wala ito sa mood nang magpakuhang litrato. She silently laughed at the thought. Kinahapunan, bitbit ang kanya-kanya nilang tsinelas ay magkasama silang naglakad ng nakapaa sa tabing dagat. Nakasunod din sa kanila ang alaga nitong puting aso na si Cotton. Nang marating nila ang malaking bato, naupo sila roon at muling hinintay ang paglubog ng araw. "Do you still remember my dream I was telling you?" she asked. "Hmm," he nodded. "You, looking so pretty in your blue dress, walking barefoot at the beach. Your little feet happily taking step one at a time, until your last step would bring you to the big rock. You would sit there and look at the boy from a distance---the boy you would marry. He had no face. You would dream of him and everytime, it would always be the same dream---the beach, you and the boy with no face," anito na para bang inaalala ang pagkakasunod-sunod ng kwento niya."Tama ba?" Tumingin ito sa kanya at binigyan ng tipid na ngiti. She met his gaze then nodded. "Tama." She smiled back. "Bakit mo ba biglang naitanong?" "Wala lang. Actually, its been a while since the last time I dreamed about that," may himig ng lungkot na sagot niya. "Asus. Ang sabihin mo, gusto mong makita iyong mukha ng mystery boy sa panaginip mo," pang-aasar nito. "Hindi 'no," mariing tanggi niya. "Kunwari ka pa." "Hindi nga. Ang kulit mo." Napaigtad ito nang kurutin niya sa tagiliran. Hindi ito gumanti at tatawa-tawa lang. Muli nilang ibinalik ang tingin sa dagat. It was just them, watching the sunset while the cool breeze brushing their hair. They reveled at the sound of wind and waves, the horizon and the sunset. "Do you know why I love looking at the sunset?" he broke the silence. "Why?" "Because my life is like the sunset." He smiled bitterly. "I don't get it. Why is your life like the sunset?" nagtataka niyang tanong. "Forget it." He flashed a weak smile which made her more confused. Maya-maya ay may iniabot itong papel sa kanya. Nagtatakang tinanggap niya iyon at tiningnang maigi. She can't help but smile as she realized that it wasn't just a paper but a polaroid photo. Nakatalikod siya roon at nanonood ng sunset. She remembered that day. That was their first time to watch the sunset together. "Unlike you, l'm not good at painting. But my art teacher said I have an eye for photography, so I just took a photo of you instead." He was caught off guard when she suddenly hugged him. "Whoa! Hey, its just a picture. Bakit kailangang may payakap-yakap pa?" biro nito kaya agad siyang bumitaw. "It was just a thank you hug, you freak!" she retorted. "Ha ha ha! Pikon ka talaga--Hey! Where are you going?!" gulat na tanong nito nang bigla siyang tumayo at tumakbo. "I'll be back!" Pagdating niya sa may puno ng acacia ay kinuha niya sa ibabaw ng kahoy na bangko ang malapad na bagay. Nakabalot pa iyon para hindi makita ang nasa loob. Nagmamadali siyang tumakbo pabalik at naabutan ang kaibigang bakas ang pagtataka sa hitsura. "Here." She handed it to him. "What's this?" tanong nito pagkakuha sa iniabot niya. "Basta. Don't open it yet. Pagkauwi niyo na lang sa Cebu." "Naks! May ganito ka pang nalalaman ha. Para saan ba 'to? Hindi ko pa naman birthday ah." "Kelangan bang magkaroon okasyon para bigyan ko ng regalo ang best friend ko?" "Wow! Ang sweet naman ng best friend ko." Inilapag nito ang regalo niya saka bigla nitong kinurot ang magkabila niyang pisngi. "Aray!Mashakit..." Binitiwan na siya nito, pero hindi pa man siya nakakaganti ay mabilis na itong tumakbo palayo. Agad niya itong hinabol at sumunod naman sa kanya si Cotton. Bago pa siya makalayo ng natatakbo ay bigla itong huminto at humarap sa kanya. Kaya sa halip na makaganti ay sa dibdib nito naglanding ang mukha niya. Hindi siya nakapagreak agad dahil bigla siya nitong niyakap. "Thanks Tammy." bulong nito. "Ano bang---" "Thanks for everything," dagdag pa nito at lalong hinigpitan ang yakap. "You'll always hold a special place in my heart. Always remember that." Pagsapit ng sumunod na summer vacation ay napalitan ng panlulumo ang excitement ni Tamara. Wala si Aki. Ilang araw at linggo pa ang lumipas pero ni anino ng kaibigan ay hindi pa rin niya mahagilap. Isang araw ay napagpasiyahan niyang puntahan ito sa bahay ng mga ito. Nagbabakasakaling dumating na ito, kahit pa nga halos patapos na ang bakasyon. Pero ayon sa katiwala ay nagpunta raw ang buong pamilya Samaniego sa Amerika. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo. Bago pa man kasi ang bakasyon ay nawawalan na ito ng oras sa kanya hanggang noong magtatapos na ang klase ay tuluyan na silang nawalan ng contact. Tapos ngayon ay hindi man lang siya nito ininform na di ito makakapunta sa La Union para di siya hintay ng hintay. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nawawala sa kanya ang bestfriend niya. Gayunpaman ay mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makita at makausap ito. Nang hapon na iyon, mag-isa siyang nagtungo sa tabing dagat at ginawa ang nakagawian nilang routine. Sa unang pagkakataon, mula nang maging magkaibigan sila, ay wala ang mga nakasanayan niya. Walang batang lalaki. Walang puting aso...At ang tanging naroon lang ay ang sunset. Kasabay ng paglubog ng araw sa paningin niya ay ang pagtulo ng mga luhang kanina pa pilit na kumakawala sa mga mata niya. Naisubsob niya ang mukha sa mga palad niya at doon tuluyang umiyak. Ang kanyang mga hikbi ay tuluyang nauwi sa paghagulgol. "Ang daya mo...Ang daya daya mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD