Hindi ko na masyadong napansin ang mga pinirmahan ko noon. Masyado ako’ng na-overwhelm sa balita nila sa `kin, lalo na `yung tungkol sa biglaang paglipat ko. Kinabukasan, pagpasok ko sa school, nilapitan ko agad ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang bad news. “Benjo...” tawag ko sa seatmate ko, pero ini-snub n’ya `ko at lumabas ng kuwarto. Napatingin ako sa isa ko pang kaibigan na si Finn, papalapit s’ya sa `kin, nakasimangot. “Josh! Ba’t `di mo sinabing aabsent ka kahapon?” “H-ha?” “Alam mo ba na umasa kami nina Zion sa promise mo’ng design, `yun pala mag-aabsent ka?!” “Ay! Oo nga pala!” napakapit ako sa bibig ko. ”Naku! Sorry, nalimutan ko!” “Nalimutan? O sinadyang kalimutan? Mula nga nang tumaas ang grades mo, yumabang ka na talaga!” “H-ha?” “Oo nga,” lumapit sa

