“Mukhang close agad kayo ni Atty. Del Mirasol, ha?” tanong sa `kin ni Yaya nang pauwi na kami. “Si Louie po?” napangisi ako sa tuwa. ”Ang gwapo n’ya, `no? Ang bait-bait pa!? Alam mo ba, alpha pala s’ya?” ”Mm, alpha pala s’ya...” ”Opo, Yaya, at saka ang bango-bango n’ya! Amoy cinnamon rolls! Ang sarap-sarap n’yang amuyin! Pati nga si Beck, love na rin s’ya, eh! `Di ba, bhebhe Beck?” “`Wag mo’ng sabihing inamoy mo s’ya?” tanong ni Yaya na bahagyang natawa. “Opo! Napaka bango n’ya talaga! Gusto ko nga s’yang kainin, eh! Pero mas gusto ko s’yang i-hug nang mahigpit na mahigpit hanggang sa matabunan ako ng amoy n’ya!” Natahimik si Yaya. “Alam mo po ba, may tatlong anak na raw s’ya, `yung dalawa mas matanda pa sa `kin, pero matagal nang patay `yung asawa n’yang omega, at 14 years na s’

