Excited ako pagpasok namin sa kuwarto! Naaamoy ko ang kakaibang musky scent ni Louie na `di tulad sa mga kaklase ko na masakit sa ilong sa sobrang tapang. Siya pa ang nagtulak sa silya ko papunta sa likod ng mesa n’ya para magkatabi kami. “So. kamusta ang mga quiz mo kanina?” tanong n’ya sa `kin. “Medyo nahirapan ako sa iba! Para naman kasing iba `yung tinuro nila sa nasa mismo’ng quiz!” reklamo ko. “Biro mo, `yung ibang topics na nandoon, nasa chapter 45, eh, nasa chapter 30 pa lang kami!” “Pero alam mo’ng nasa chapter 45 siya?” natawa si Louie. “Buti nagbasa ka in advance.” “Oo nga po, eh,” sumandal ako sa balikat n’ya, “kaya lang, sa Monday ko pa raw makukuha ang results! `Di pa kita maki-kiss ngayon.” Natawa `uli si Louie. Hinimas n’ya ang buhok ko at kinapitan ako sa balikat.

