Kung may ipasasalamat man ako, `yun ay dahil sa kinaya na ng gamot ko ang effects ng heat ko. Uminom ako nito 3 times a day, at salamat dahil hindi na `ko nagising ng madaling araw na naghahanap kay Louie. Tama si Louie, nagawa ko na nga’ng pumasok kinabukasan, pero mali ang sinabi ni Aveera na malilimutan din agad ng mga kaklase namin ang tungkol sa harem, dahil sa pagpasok ko ng classroom ay may naghihintay na sa `kin. “Wow, Josh!” bati ni Sara sa pagpasok ko, “May mukha ka pa palang ipapakita sa school?” Nagtawanan ang tatlong magkakaibigan. “Alam mo, kung ako sa `yo, nagbakasyon na ako nang isang buwan, tutal, malakas ka naman sa admin, `di ba? In fact, `wag ka na lang bumalik!” sabi naman ni Bell na masama ang tingin sa akin. Teka lang. Are they being sarcastic? “`Oy, anong

