Sobrang na-motivate ako sa sinabi ni Louie na ‘reward’, kaya ginalingan ko nang todo ang review session namin. Mag aalas-tres na nang check-an ni Louie ang ginawa n’yang sample test para sa `kin, and guess what? “Woah! It’s a perfect score!” “Bakit parang `di ka makapaniwala?!” nakanguso ko’ng tanong sa kan’ya. “Sabi ko na nga ba, `di mo na `ko nailangan, eh, nagkukunwari ka lang ata’ng mahina sa studies para makasilay sa akin, eh!” tumatawa n’yang sinabi. “Uy! Hindi, ha, pero totoo na gusto ko laging makasilay sa `yo!” Sinubo ko ang huling cinnamon cookie na pasalubong niya at hinimod ang aking daliri. “So, nasaan na ang reward ko?” Natawa si Louie. Mukhang good mood talaga s’ya ngayon, ano kaya ang dahilan? Sinamantala ko naman ito, at lumapit sa kan’ya at hinalikan s’ya sa pisn

