Halos hindi nakatulog si Cassie nang gabi na yun, pinag iisipan niya kung magpapaalam pa siya kay Aldo o hindi na, aalis na siya sa mansion para hindi na siya makadagdag sa problema. Kinabukasan ay bumaba si Cassie mula sa kwarto niya, hindi na rin niya naasikaso si Sam at Phil, masakit man sa kanya pero ayaw na muna niya makita ang kambal, baka hindi niya kayanin, pumunta siya sa opisina ni Aldo, dirediretso siya sa loob, nakita niya si Aldo na nakatingin sa kisame at tila malalim ang iniisip, hindi pa rin ito nakapagpalit ng damit mula pa kahapon, bigla siyang nakaramdam ng awa rito, pero buo na ang desisyon niya, tumayo siya sa harapan ng mesa nito, parang hindi siya nakikita nito dahil hindi man lang ito kumilos nang pumasok siya, imposible namang hindi siya nito napansin. "Sir Aldo"

