Pumasok sa isang condo building ang sasakyan ni Aldo, pagbaba nila sa sasakyan ay magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng building, pag sakay nila sa elevator "Mahal anong ginagawa natin dito?" ani ni Cassie "May sorpresa nga ako sayo, wag ka nang makulit, malalaman mo rin" sabay yakap dito Pagbaba nila sa elevator ay naglakad lang sila ng kaunti pakanan, at binuksan na ni Aldo ang pinto, pag pasok nila ay isang malaking unit ang bumungad sa kanya, mga mamahalin at modern na mga gamit at may second floor pa "Mahal, ano to?" tanong niya ulit, humakbang siya papasok sa may sala ng unit, manghang mangha siya sa nakikita, sumunod si Aldo sa kanya at niyakap siya sa likod "Para sayo to Mahal" sabay halik sa pisngi "Paanong akin?" "Binili ko to at inilagay sa pangalan mo, tapos pinaayo

