CHAPTER 3

2071 Words
CASSANDRA POV Tinawagan niya ang numero ng pinsan para ipaalam dito na darating siya sa bahay nito. Alam niyang uuwi ito sa Pilipinas, dahil narinig niyang nandoon ang kasintahan nitong itinakas niya sa isang organisasyong naghahabol dito. Ang alam ng lahat patay na ang babae, pero ang totoo n'yan, buhay ito at nasa pangangalaga ng isang pari sa Pilipinas. Pagkatapos makausap ang pinsan at makumbinsi itong sasama siya sa Pilipinas, nag ayos na siya ng kaniyang sarili. Ipapasundo siya dito ni Drake sa mga taohan nito, para masigurong ligtas siya. Nasabi na niya rin dito ang dahilan kung bakit naglayas siya sa kanila at naintindihan naman nito ang kan'yang rason. Nag ayos na siya ng sarili at hinintay ang kaniyang sundo. Maya-maya lang may kumatok sa pinto ng kaniyang inuokopang kwarto. Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa pintoan, sinilip niya muna ito sa peephole para makasigurong taohan ito ni Drake. She knows Drake's people, they have their own mark para makilala mo sila. Nakita niya ang dalawang lalaki sa labas at ng makita ang marka nito sa leeg , nasisiguro niyang mga taohan na ito na ipinadala ni Drake. Bumalik siya sa kama para kunin ang bag na dala at binuksan ang pintoan. Napanganga naman ang dalawang lalaki na nakatingin sa kaniya, kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Let's go," aya niya sa dalawa na mukhang nataohan naman. Yumukod ang mga ito tanda ng paggalang. Nauna siyang naglakad at nakasunod lamang ang dalawa sa kaniya. Pagbaba nila sa lobby nakita niya pa ang ibang kalalakihan na nakakalat sa paligid ng hotel na tinuluyan niya. Iginiya siya ng mga lalaki patungo sa isang kotse na nakaparada sa harapan mismo ng hotel. "Clear!" narinig niyang sabi ng isang lalaki na gumigiya sa kaniya patungo sa kotse na nakaparada sa harapan mismo ng hotel na tinutuluyan. Mabilis ang mga hakbang na tinungo nila ang kotse at mabilis din na pumasok sa loob. Napailing na lamang siya sa pinsan,para siyang presidente ng bansa na may escort. Kung sabagay alam naman ng pinsan niya kung gaano ka kapangyarihan ang kaniyang ama, kaya malamang na pinaghandaan nito ang mangyayari in-case na maka- engkwentro nila ang mga taohan ng kaniyang ama. Napabuntong-hininga na lamang siya pag naiisip niya ang kaniyang mga magulang. Dahil sa sobrang lalim ng iniisip hindi niya namalayan na nasa mansion na pala sila ni Drake dito sa Italy. Malaki rin ang mansion nila pero mas malaki at mas engrande ang mansion ni Drake. From the exterior hanggang sa interior nito hindi maikakailang isang magaling na tao ang nag design nito. Bumaba siya ng kotse matapos pinagbuksan ng taohan ni Drake. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Nagkalat ang mga taohan ni Drake sa paligid at bawat isa ay may hawak na baril. Hindi na bago sa kaniya ang ganitong scenario. Lumaki din siya sa ganitong paligid. Hindi mafia ang kaniyang ama pero masasabi niyang isa din itong makapangyarihang tao, dahil napapalibutan din ito ng mga armadong alagad. Isang tanyag na businessman ang kaniyang ama, hindi lamang sa bansa nila kundi sa buong mundo. Kaya naman ingat na ingat siyang hindi makagawa ng mga bagay na ikadawit ng pangalan ng ama. Ngunit hindi niya maatim na manipulahin o pangunahan siya nito sa pagpili ng makakasama niya habang buhay. She will only marry the man she love and love her too. She is not into an arrange marriage—...not a cup of her tea. Kung kailangan niyang maging suwail hindi lamang matuloy ang pagpapakasal sa kaniya sa taong ni minsan hindi niya nakilala, so be it. She is willing to be the black sheep of the family. "Madam sa library daw po kayo dumiretso sabi ni Lord Drake, " nabalik lang siya sa sarili ng marinig na nagsasalita ang taohan ni Drake na nakaagapay sa kaniya sa paglalakad. "Ok! Thanks! "pasalamat niya rito. At nagpatiuna ng maglakad patungo sa library ng pinsan. Ng marating ang pintoan kumatok muna siya ng tatlong beses at hinintay na sumagot ang nasa loob bago pinihit ang seradora. Sinalubong siya ng nakakunot-noo na pinsan kung kaya nginisihan niya ito. "Long time no see dear handsome cousin of mine," bati niya rito sabay lapit at halik sa pisngi. Nakabusangot naman itong tumingin sa kaniya kaya tinawanan niya ito.Ganito si Drake akala mo palaging galit sa mundo. "What is it this time Cassandra?" malamig na tanong ng pinsan sa kaniya. "I need to hide Drake, I need a place to hide from my father," deritsong sagot ko sa kaniya.Napahilamos naman ito na parang problemado. "You know the consequences of what you did right ?" igting ang mga pangang tanong nito sa kaniya. "I know Drake, hindi mo naman ako pababayaan di ba? Kaya sayo ako lumapit dahil alam kong you will protect me at all cost — even to my parents." matamis na ngiti ko dito na mas lalong ikinasimangot ng mukha nitong parang ermitanyong tigang. "Damn it! Women are really pain in the ass, " pagmamaktol nito. Humalakhak ako sa tinuran niya. Alam ko naman na may problema din ito ngayon sa babaeng mahal. "Dont yeah worry handsome cousin, hindi naman ako maging pabigat sayo. All I need is just a place to hide and that's it." pangungumbinsi ko sa kaniya, kahit ba alam ko na hindi naman ako nito pababayaan. "I'm leaving to Manila tonight, would you like to come with me ? Doon walang masyadong nakakilala sayo." tanong niya. Nagbunyi ang kan'yang kalooban sa narinig. Matagal n'ya ng gustong pumunta ng Pilipinas. Her mom is a half Filipina and a half Spanish and her dad is a half Italian and a half Filipino.Marunong silang magsalita ng tagalog dahil sa mga ina namin ni Drake. Her mother and his mother are siblings, at dahil na rin sa status ng mga buhay nila at ng pamilya, walang nakakaalam na magpinsan sila ni Drake. Masyadong delikado ang pamilya ni Drake pero hindi rin naman pahuhuli ang kan'yang ama. Kaya para manatili ang kaligtasan ng bawat pamilya her parents and Drake's parents agreed to keep theirrelationship secret to everyone. Tanging mga pinagkakatiwalaan lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa pamilya nila at sa relasyon nila bilang magpinsan ni Drake. "I'll come with you Drake,"matapang na sagot n'ya sa pinsan. Tumango naman ito at kinuha ang cellphone at may tinawagan. "Tobby I'll be coming tonight, prepare everything for our merging," narinig niyang sabi ng pinsan sa kausap nito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng marinig ang pangalan ng kausap nito. Parang biglang kumabog ang dibdib niya. "Tobby?" mahinang bulong niya sabay hawak sa kaniyang dibdib dahil sa pag regodon ng kaniyang puso. Wala siyang dibdib pero feeling niya nanikip bigla ang kaniyang dibdib ng marinig ang pangalang Tobby. "s**t ano ang nangyayari sayo Cassandra." kastigo niya sa sarili. "Be ready Cassandra, we will leave around seven in the evening later," agaw pansin ni Drake sa kan'ya, na nagpabalik ng kan'yang katinuan mula sa kung ano-anong iniisip. Iwinaksi n'ya ang nararamdaman kani-kanina lang ng marinig ang pangalan ng kausap ni Drake. Hindi n'ya mawari kung bakit ganon ang reaction n'ya pagkarinig sa pangalan ng kaibigan nito. Tumango s'ya sa pinsan ko bilang tugon. "Ok! I will go outside first, magpapahinga muna ako, maaga pa naman. Tawagin mo na lang ako mamaya kung aalis na tayo." paalam ko sa kaniya. Sumenyas lang ito sa akin dahil ang mata totok na totok sa monitor ng kaniyang computer. Napailing na lamang s'ya at iniwan na ito sa kaniyang opisina. Naghanap s'ya ng kwarto na pwedeng mapaghingaan at napadpad s'ya sa isang guest room sa bahay ni Drake. Ibinagsak n'ya ang kan'yang katawan sa malambot na kama at pumikit. Biglang sumagi sa aking isip ang pangalan na Tobby. Napasabunot s'ya sa kan'yang buhok dahil first time n'ya na makaranas ng ganitong epekto sa dahil lang sa pangalan ng isang tao. Ipinikit n'ya na lang ang kan'yang mga mata at pinilit na iwaksi sa kan'yang isip ang pangalan ng lalaking iyon. Mahigit apat na oras din ang kan'yang tulog ng marinig n'ya na may kumakatok mula sa labas ng pinto .Nag inat s'ya at dahan-dahan na bumangon para buksan ang kung sino mang kumakatok. "Get ready, we're leaving in 10 minutes." striktong utos ng aking pinsan. Minsan talaga ang sarap din sapakin ng lalaking ito, kung makautos akala mo naman taohan s'ya nito. Well ganon naman talaga ang mangyayari once na sasama ako sa kaniya sa Pilipinas.I have plans na nabuo at gagawin ko yon para magtagumpay sa aking pagtatago sa aking ama. Bumalik ako sa loob ng kwarto at nagbihis. Nag hilamos lang ako at nag toothbrush gamit ang bagong toothbrush na nakita ko sa banyo. Matapos maayos ang sarili, lumabas na s'ya ng kwarto at hinanap si Drake. Itinuro naman sa kan'ya ng taohan nito na nasa rooftop na ito at doon na daw maghihintay. Pumasok s'ya sa elevator at pinindot ang rooftop. Maya-maya lang narinig ko na ang tunog ng elevator hudyat na narating n'ya na ang rooftop, kung saan naka park ang sasakyan nilang helicopter papuntang Pilipinas . Nang bumukas ang elevator maraming taohan ang nakapila sa labas na akala mo mga royal guards sa isang palasyo. Kung sabagay nga naman hindi ordinaryong tao ang kaniyang pinsan, he is a fvcking Mafia Lord ng kanilang pamilya. Normal na lang sa kanila ang ganitong tanawin. Lumabas na siya at naglakad sa kinaroonan ni Drake. Yumuyuko sa kaniya ang nadadaanan niyang mga taohan nito. Nakita niyang may dalawang helicopter ang naka park at ang isa ay akmang paalis na. Lumapit siya sa pinsan niya ngunit hindi pa siya lubos na nakalapit narinig niyang nagsalita ito. "See you in the Philippines Tobby." sigaw ng pinsan niya at kumakaway pa sa isang tao sa loob ng isang helicopter na nakaandar niya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil dim light ang nasa loob ng cockpit kung saan kita niya na ang lalaking nangangalang Tobby ang piloto ng nasabing helicopter. Nag regodon na naman ang kaniyang puso ng masilayan ang pigura nitong naka sideview. Kahit hindi maaninag ang mukha nito pero kitang kita ang hugis ng mukha, ang matangos na ilong at ang adams apple na ang seksing tingnan pag gumagalaw. Biglang uminit ang kaniyang pakiramdam at nanuyo ang kaniyang lalamunan. Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa kaniya. Kahit pangalan lamang ang marinig niya dito parang dinadaga na ang kaniyang dibdib. She never had a boyfriend pero hindi naman siya tanga para hindi maintindihan ang kaniyang nararamdaman. "Am I lusting him?" lihim na tanong niya sa kaniyang sarili na maya-maya lihim niya ding kinastigo. Nakatulala lang siya'ng pinapanuod ang unti-unting pag angat ng helicopter at sa hindi inaasahang tagpo, lumingon sa kinaroroonan n'ya banda ang lalaki at ngumiti. At hindi niya alam kung sa kaniya ba ang ngiting iyon o hindi dahil ng lingunin niya ang paligid nasa madilim na area siya ng nasabing helipad. Sobrang pagkabog ng kaniyang dibdib ang kaniyang nararamdaman ngayon at nangatog din ang kaniyang mga tuhod sa pagngiti lamang ng lalaki sa kaniya. "Cassandra lets go," narinig niyang tawag ni Drake sa kaniya. Bumalik lamang siya sa kaniyang sarili ng marinig ang boses ng pinsan. "Yeah, I'm coming Drake.!!" sagot niya at nagsimula ng maglakad papunta sa direction ng pinsan. "Are you ok? "tanong nito sa kaniya,sabay hipo ng kaniyang noo. "Yeah, why? " inosenteng tanong niya. "You look pale and sweating Cassandra, are you sure about this runaway thing? "panigurado ng pinsan sa kaniya. "Yes, I'm pretty sure Drake, dont mind me. Just bring me along and get me out of here please," pagmamakaawa niya. Kinabig naman siya nito at niyakap. "Maayos din ang lahat Cassandra, magtiwala ka lang." bulong nito. Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon. Napakaswerte niya sa pinsan niyang ito. He treated her as his little sister kahit pa minsan aso't-pusa din silang dalawa. Iginaya na siya nito paakyat sa helicopter na naghihintay.Matapos siya nitong maiayos lumipat na ito sa upuan niya at kinalikot ang mga button sa harapan. He is piloting his own helicopter. Maya-maya lang umandar na ito at hindi nagtagal naramdamdaman niya ng umangat na ito sa ere. Nag usal siya ng maikling dasal at tinanaw ang baba. Nalungkot siya na aalis sa lugar na ito na may hindi pagkakaunawaan ng mga magulang. "I'm sorry daddy, I'm sorry mummy, " mahinang paghingi niya ng paumanhin sa mga magulang. AUTHOR'S NOTE! MARRYING A MAFIA BOOK 2 CAN BE EXCLUSIVELY READ AT g*******l. THANK YOU ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD