Prologue

310 Words
"Ku-kuya Owen?" Nauutal kong tanong sa isang lalaking nasa harapan ko ngayon. Halos dalawang taon na rin noong huli ko siyang nakita at sa dalawang taon na yun ay ang laki na ng pinagbago niya. "Kamusta ka na,Jin? Ang laki na ng pinagbago mo,ah! Mas gwapo ka na ngayon!" Tanong at papuri niya sa akin. Hindi ko inintindi ang kanyang mga sinabi dahil nakatitig lamang ako sa kanyang mukha. Miss na miss ko ang taong ito. Dalawang taon ko siyang hinintay at ngayon ay nasa harapan ko na siya! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero alam ko sa loob ko na sobrang saya ko sa muling pagbabalik niya! "Magsalita ka nga,Jin. Para kang nakakita ng multo,eh!" Sabi pa niya sa akin. Imbes na sagutin ko siya ay bigla ko na lamang siyang niyakap ng mahigpit. Wala akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. Hindi ko namamalayan, unti unti na palang bumagsak ang aking mga luha mula sa aking mga mata. "Tahan na,baby boy. Nandito na si kuya. Hindi na kita iiwan pa kahit na anong mangyari." Bulong niya sa akin na nagdahilan para tumayo ang aking mga buhok sa aking katawan. "Miss na miss na kita,Kuya Owen." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki. "Miss na miss na rin kita,baby boy. Halika sa kwarto at maglaro muli tayo!" Anyaya niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at sabay kaming naglakad papunta sa dati naming kwarto. Pagkapasok namin ay dito na naming ibinuhos ang pangungulila sa bawat isa. Sana ay hindi na ito matapos at sana ay palagi siyang nandito. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko! Kasiyahang dulot ng taong kasama ko! Kasiyahang hatid ng aking... "Kuya Owen!" …………………………………………..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD