Chapter 5

2529 Words
Part 5 ................ "Goodluck sa Exam niyo,Apo. Pagbutihin mo,ha para hindi nakakahiya kina sir," bilin sa akin ng aking lola bago ako lumabas ng bahay. Paglabas ko ay naghihintay na ang sasakyan namin ni Kuya Owen papunta sa school kaya dali dali akong pumasok sa sasakyan. Pagpasok ko ay nakita ko si Kuya Owen na nakanguso. Halatang naiinis ito o may problema. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya at sinagot naman niya ako. "Si papa kasi,eh! Ayaw niya akong bigyan ng sasakyan. Ang sabi niya baka gamitin ko lang sa paglalakwatsa o kung ano ano pang kalokohan! Ang gusto ko lang naman sana,eh sabay tayong dalawa na pumasok para hindi na ring maabala si Manong Gary sa paghahatid-sundo sa atin at hindi na tayo maghihintay sa kanya kapag uwian na," halata sa boses niya ang pagkainis. Simula kasi noong inihatid ako ni Kuya Renz, humiling si Kuya Owen kay Papa niya na bigyan siya ng sasakyan pero hindi siya pinagbigyan nito. Noon daw kasi ay may motor siya pero ang nangyari, ginamit niya ito sa hindi magandang paraan na nagdahilan para muntikan na siyang hindi makapag Grade-9. Nanahimik na lang ako habang pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi. Natigil lang siya noong lumabas kami ng sasakyan at nagkanya-kanya kami ng daan. "Sabay tayo magmeryenda mamaya,ha. Hintayin mo ako sa labas ng building niyo," bilin sa akin ni Kuya Owen. Tumango na lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa aming silid. Pagpasok ko pa lang ay tumambad sa akin ang aking mga kaklase na may iba't ibang ginagawa. May mga nagrereview para sa unang pagsusulit naman, meron din 'yung hawak nila ang kanilang cellphone at karamihan ay mga nagkwekwentuhan lang na para bang wala silang haharaping pagsusulit! Nakita ko sina Cindy at Anton na abala sa pagtingin sa cellphone ni Anton. Naglakad akong palapit sa kanila at tinanong kung ano ang tinitignan nila. Agad naman na itinago si Anton ang kanyang cellphone at sinabing wala lang daw.  Nagkibitbalikat na lang ako at umupo na sa aking upuan at ineralax ang aking sarili. Nang dumating ang aming adviser ay agad niya kaming kinausap lahat at ipinaliwanag ang magiging first quarterly test namin. Pagkatapos magpaliwanag ay nagsimula na ang aming pagsusulit. Naging magaan naman ang aming pagsusulit sa una at ikalawang subject. Kampante ako na makakapasa ako dahil lahat ng tanong ay kampante kong nasagot. Napatingin ako sa aking mga kaibigan at nakita ko si Anton na nakabusangot habang si Cindy ay tumatawa. "Kainis naman,eh! Naguluhan ako sa physics! Napagpalit ko 'yung formula ng speed at velocity!" himutok ni Anton habang naglalakad kami palabas ng aming silid. Habang naglalakad kami palabas ng aming building ay naaninag ko na si Kuya Owen kasama sina Kuya Cee-jay at Kuya Renz na abalang nag-uusap. Napatigil lang sila nang dumating kami at nagpunta na sa canteen. Silang tatlo na lang ang bumili ng aming meryenda. Pagdating nila sa aming lamesa na may dalang pagkain ay nagsimula na kaming kumain. 30 minutes lang kasi ang break namin kaya kailngan naming bilisan. Habang kumakain ay nagkakausap din naman kaming anim. Kinamusta ako ni Kuya Owen tungkol sa mga pagsusulit at ganun din ako sa kanya. "Madali lang naman ang test namin,eh! Siguradong papasa ako!" pagmamayabang ni Kuya Owen sa akin na kinatawa ng kanyang mga kaibigan. "Parang nadalian ka nga Owen! Wala pang sampong minuto, pinapasa mo na ang mga test papers natin!" natatawang sambit ni kuya Cee-jay sa kanya. "Ganun talaga, nagreview ako,eh!" sagot naman ni kuya Owen. "Sabihin mo, puro mini-mini-myni-mo ang ginawa mo!" sabat naman ni kuya Renz. Tawanan silang tatlo. Matapos kaming kumain ay kanya kanya na kaming pumunta sa aming classroom at pinagpatuloy ang aming pagsusulit. Gaya ng nauna, naging magaan para sa akin lahat ng subjects. Kaninang lunch ay hindi kami nagsabay ni kuya Owen. Siguro ay abala sila sa pagrereview o kung ano man kaya hindi niya ako napuntahan kanina. "Tara na? Magrereview pa tayo sa mga subject na hindi pa natin natest," anyaya sa akin ni Cindy na tinanguan ko lang. Paglabas namin sa builiding ay nagpaalam na sina Cindy at Anton sa akin. Ako naman ay hihintayin ko pa si kuya Owen kasi baka magtampo na naman 'yun kapag 'di ko siya hinintay. Umupo na muna ako sa harap ng building namin at nagbasa basa na lang muna sa mga lessons namin habang hinihintay siya. Natapos ko nang basahin ang notes ko sa isang subject pero wala pa rin si kuya Owen na pinagtaka ko. Napatanong ako sa aking sarili kung hindi pa ba tapos ang test nila. "Manong, anong oras na po?" Tanong ko sa isang guard na napadaan sa aking harapan. Tinignan niya ang kanyang relo at sinabing 4:43 na ng hapon. Siguro ay hanggang 5:00 sila kaya wala pa siya kaya hihintayin ko na lang siya. Tahimik Hindi nagtagal, may mga estudyante nang lumabas sa kanilang building. Pinapanood ko ang mga estudyante na naglalakad palabas ng aming campus pero wala pa si kuya Owen. Napasimangot na lang ako kasi kanina pa ako naghihintay sa kanya. Ilang saglit pa ay may tumigil na sasakyan sa aking harapan na pamilyar sa akin. Sasakyan ni kuya Renz! "Oh,baby boy? Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa akin nang maibaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan. Nakita ko siya sa driver's seat na nakasando lang ng puti at pinagpapawisan. "Hinihintay ko pa po si kuya Owen,kuya." Sagot ko sa kanya. "Si Owen? Kanina pa alas kwatro kami natapos mag-exam,ah. Baka umuwi na?" nagtaka ako sa sinabi ni kuya Renz sa akin. Ang ibig sabihin, sabay lang kaming natapos mag-exam? "Hindi kuya, sabi niya sa akin sabay kami uuwi parati." "Teka lang at tatawagan ko siya," kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa gilid ng kanyang upuan at tumawag nga ito. "Hindi naman niya sinasagot. Halika, hatid na lang kita sa inyo," sabi at alok niya sa akin. "Huwag kang mag-alala, ako na kakausap kay Owen 'pag nagalit sayo 'yun," nakangisi niyang paninigurado sa akin. Napabuntonghininga na lang ako at tumayo sa aking kinauupoan. Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan sa harapan. Pumasok ako at umupo. Ilang saglit pa ay pinatakbo na niya ito. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila kuya Owen ay agad akong lumabas at nagpasalamat sa kanya. Nginitian naman niya ako at pagkatapos ay umalis din siya agad. Pagpasok ko ay dumeretsyo ako sa aming quarter para makapagpalit ng damit. Pagkatapos ay dumeretsyo na ako sa kusina dahil alam kong nadoon si lola. Pagdating ko dito sa kusina ay ahad kong tinulungan si lola na magluto. Tinanong niya ako kung bakit natagalan ako sa pag-uwi at nagdahilan na lang ako na may inaayos lang na mga requirements. Hindi na naman siya magtanong pa. "Wala pa ba si kuya Owen,lola?" tanong ko kay lola habang naghahalo sa kanyang niluluto. "Wala pa naman,apo. Akala ko nga sabay kayong uuwi,eh," sagot sa akin ni lola kaya mapasimangot na lang ako. Dumating ang hapunan, wala si sir at ang mama lang ni kuya Owen ang kumain. Matapos kaming makapagligpit ni lola ay bumalik na kami sa aming quarter at tinulungan siya ulit para sa hapunan naming taga-silbi. "Kami na dito, magpahinga na kayo at ikaw naman Jin ay magreview ka na," sabi ng kasama namin matapos kaming kumain. Ganun na nga ang nangyari. Pumasok kami ni lola sa aming kwarto at nag-ayos. Humiga agad si lola sa aming kama habang ako ay inilabas na muna ang aking mga notebooks para magreview para bukas. Halos dalawang oras din ang ginugol ko sa pagrereview bago ako dalawin ng antok. Inayos ko muna ang aking mga gamit bago ako nagpunta ng banyo para mag-halfbath at matulog. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Hindi ko na hinintay si kuya Owen kasi ayun sa mga kasama namin ay madaling araw na siya nakauwi. "Bakit ka nakasimangot? Hindi ka ba nakapagreview?" nagtatakang tanong sa akin ni Cindy. "Wala. May iniisip lang ako," sagot ko na lang sa kanya at itinuloy na niya ang pagbabasa sa kanyang notes. Dumating ang aming adviser at nagsimula na naman kami sa huling araw ng pagsusulit. Nagfocus ako dito at sinagotan lahat ng mga tanong. Naging maganda naman ang takbo ng lahat lahat. Sabay kaming tattlo nina Anton na pumunta sa canteen at laking gulat ko na lang nang makita ko si kuya Owen kasama ang kanyang mga kaibigan at isang babae. Nakita ako ni kuya Renz kaya tinawag niya ako. Plano ko sanang iwasan si kuya Owen kasi naiinis ako sa kanya pero mukhang hindi ko yan magagawa. Hinila ako ni Anton papunta sa lamesa nina kuya Owen. Umupo ako sa harap ng babaeng kasama nila na katabi ni kuya Owen. Tinanong ako ni kuya Renz kung ano ang gusto kong kainin at siya na lang daw ang bibilli para sa akin. Napatingin ako sa babae. Maganda siya. Maputi at malaanghel ang kanyang mukha. Napabaling naman ako kay kuya Owen na nakatingin din pala sa akin. "Siya ba yung sinasabi mo sa aking kagabi na baby boy mo? Ang cute naman niya talaga!" biglang tanong ng babae kay kuya Owen. Bigala akong nainis sa narinig ko. Ang ibig sabihin ay siya ang kasama ni kuya Owen kagabi? Siya ang dahilan kung bakit hindi kami sabay umuwi kahapon!? Bakit sino ba itong babaeng ito? "Hello, baby boy! Ako pala si Ate Georgia mo. Ang girlfriend ng kuya Owen mo," pakilala niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Napatingin ako kay kuya Owen na nakangisi. Siningkitan ko na lang siya ng mata na nagsasabing naiinis ako sa kanya. Pinilit kong ngumiti at tinanggap ang kamay ni Ate Georgia at nagpakilala din sa kanya. "Kaya naman pala hindi kayo nagsabay umuwi ni baby boy mo kahapon kasi kasama mo si Georgia! Hinintay ka niya kaya hanggang 5:00 ng hapon!" banggit ni kuya Renz nang dumating siya habang hawak ang aming pagkain na magkakaibigan. "Ganun ba? Naku,pasensya na baby boy,ha! Nawala sa isip ko 'yun!" sabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot at nagsimulang kumain. Binilisan ko na lang ang pagkain ko kasi parang may nararamdama akong inis. Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng ganito! Siguro dahil umasa ako kahapon na sabay kami ni kuya Owen umuwi tapos malalaman ko na nawala ako sa isip niya!? Nang matapos akong kumain ay agad kong inaya ang aking mga kaibigan na pupunta na kami sa aming classroom. Binilisan naman nila ang pagkain at nang matapos sila ay nagpasalamat ako kay kuya Renz sa kanyang panlilibre. Habang naglalakad kami, nag-uusap sina Anton at Cindy na nagdahilannpara makinig ako. "Sabi ko sayo,eh! Totoo 'yung kumakalat na picture na sila na ni papa Owen at yung kabit ng bayan na si Georgia!" "Wala naman akong sinabi na hindi ako naniwala noong pinakita mo ang picture,ah. Pero ngayon ay confirm na! Sila na nga!" sagot naman ni Cindy kay Anton. "Bakit? Sino ba 'yung Georgia na 'yun?" bigla ko namang tanong sa kanila na nagdahilan para tignan nila ako. "Hindi mo siya kilala? 'Yan kasi, puro libro at pagbabasa ng notes mo ang alam mong gawin. Hindi mo alam kung ano ang nagyayari sa school natin! Ang balita ko tungkol sa babaeng 'yun, siya ang dahilan kung bakit maraming naghihiwalay na magkasintahan dito sa school natin kasi malandi raw siya atsyaka sabi nila laspag na 'yun!" paliwanag sa akin ni Anton na kinagulat ko. "Naku,Anton baka tsismis lang 'yan. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi ng iba at baka sinisiraan lang siya. At parang mabait naman yung so Georgia eh. Mukha siyang anghel at desente," sabi ko na lang sa kanya. "Alam mo ba yung sinasabi nila,Jin na ang taong tahimik at mukhang mabait, sila yung mga taong nasa loob ng kulo at ugaling mapait! Kaya minsan, huwag kang maniwala sa nakikita ng iyong mata kasi ang ating mata ay nasisilaw sa ganda ng kanilang pinapakita," pangaral sa akin ni Cindy na nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Napailing na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang dumating kami sa aming classroom ay hinintay na lang namin ang aming adviser para makapag-exam na. Matapos ang aming exam ay agad na akong umuwi. Hindi ko na hinintay si kuya Owen kasi baka kasama na naman niya si Georgia na girlfriend niya. Ewan ko ba sa sarili kung bakit ako ganito! Ngayon lang ako nakakaramdam ng kakaiba! Pagpasok sa quarters ay ginawa ko na lang ang kinagawian. Magpapalit ng damit at tsaka tutulong kay lola sa pagluluto. Habang nagluluto kami ni lola ay biglang pumasok si kuya Owen sa kusina at kumuha ng baso ng tubig at uminom. "Bakit hindi mo ako hinintay kanina?" bigla niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya pero hindi ko siya sinagot. Tinaasan naman niya ako ng kilay at lumabas ng kusina. Pagdating ng hapunan ay ang mga magulang lang ni kuya owen ang bumaba. Sinabihan ako ni sir na kakausapin niya raw ako pagkatapos nilang kumain. Ganun na nga ang nangyari. Sumunod ako kay sir sa kanyang opisina at nagreport sa kanya tungkol sa mga nangyari. Lahat ng nangyari sa buong linggo ay sinabi ko sa kanya at napailing na lang noong sinabi kong may girlfriend na si kuya Owen. Matapos akong makapagreport ay pinalabas na ako ni Sir. Paglabas ko ay tumambad sa akin si kuya Owen na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto. Naglakad na lang ako pabalik sana sa quaters namin pero napatigil ako nang magsalita siya. "May problema ba tayo,baby boy?" tanong niya sa akin. "Wala naman kuya,bakit?" sagot at tanong ko sa kanya. "Bakit pakiramdam ko may kinikimkim ka sa akin? Sabihin mo sa akin baby boy." "Wala kuya, naiinis lang ako sayo. Pinaghinaty mo ako kahapon sa wala tapos malalaman ko na may iba kang kasama at nawala ako sa isip mo. Pakiramdam ko tuloy hindi ka tumutupad sa usapan," sagot ko na nagpangisi sa kanya. "Sorry na,baby boy. Pangako, hindi na mauulit 'yun. Huwag ka nang mainis sa akin,ha," pagsuyo niya sa akin pero 'di ko pa rin siya sinagot. "Naku,nagtatampo si baby boy ko. May lollipop ako dito,gusto mo?" "Ayaw ko,kuya. Gabi na at baka masira pa ngipin ko at hindi pa ako naghahapunan," sagot ko sa kanya. "Ganun ba? Halika, sabay na tayong kumain. Gutom na rin kasi ako,eh." Anyaya niya sa akin at nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at binuhat ako. Tumatawa pa siya habang bumabalikwas ako sa pagkakabuhat niya. Wala naman akong magawa kasi mas malaki si kuya Owen kaysa sa akin. "Manang ,ipaghanda mo kami ni baby boy ko," utos niya sa isa naming kasama sa quarter na agad naman niyang ginawa. Pagkatapos naming kumain ay babalik na sana ako sa quaters nang sabihin sa akin na sa kwarto niya ako matutulog. Tumanggi ako kasi hindi pa ako nakakapaghalfbath,eh. "Sabay na lang tayo maghalfbath. Tara na!" sabi niya sa akin sabay hawak ng aking kamay. Inutusan niya ang isang kasambahay na magdala ng damit ko sa kwarto niya kaya wala na akong nagawa. Habang nakahawak siya sa kamay ko, bigla naman ako nakaramdam ng pag-iinit ng mukha sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko lang ito pinansin naglakad na lang akong sumama sa kanya. ...................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD