Part 10 "Ang galing galing talaga ng Apo ko!!" Tuwang tuwa si lola nang makuha namin ang aking report card. Niyakap niya ako ng mahigpit na ginantihan ko naman. Nakaabot na kasi ako sa With High Honors at ako lang ang nakapasok sa aming classroom. Karamihan kasi ay with Honors sila. "Para sa atin lahat ang pagsisikap ko,lola. Huwag kang mag-alala dahil pagbubutihin ko pa lalo." Sabi ko sa kanya nang naghiwalay kami sa pagkakayakap. Kita ko ang kanyang mata na naluluha pero alam kong dahil iyon sa kaligayahan. Sapat nang makita ko si lola na masaya para lalo ko pang pagbutihin ang aking pag-aaral. Nasa ganoong pwesto kami ni lola nang may marinig kaming nagsisigaw mula sa sala. Agad namin itong tinignan at nakita namin si kuya Owen na nagsisigaw at hinahanap ang kanyang mga magulang. U

