Chapter 16

2478 Words

Part 16 Halos hindi ako makahinga dahil sa isang lalaking nakayakap sa akin nang mahigpit. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na siyang nagdahilan para mapapikit ako. Namiss ko ang lalaking ito kahit na mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikita. "Hoy!! Anong kaganapan dito at may yakapang nagaganap?!" imbes na humiwalay siya sa akin sa pagkakayakap dahil sa pagpuna ni Anton sa amin ay mas lalo pa niya itong hinigpitan. "Lukas, tama na. Dumarami na tayo sa loob ng classroom," sabi ko sa kanya kaya lumuwag ang kanyang pagkakayakap. Napatingin ako sa kanyang nakangiting mukha. Hindi ko alam pero parang may nagbago sa kanya simula noong huling kaganapan na aking nakita sa kanya. " Parang isang taon na kayong hindi nagkita sa higpit nang yakapan niyo, ah! Tandaan niyo, mahigit isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD