Part 13 "Bakit mo ako piniringan,Kuya?" nagtataka kong tanong sa kanya habang naglalakad kaming dalawa papunta kung saan. "Basta! Huwag ka ng maraming tanong,baby boy!" sagot na lang niya sa akin kaya tumahimik na ako. Nakahawak ang kanyang kamay sa aking kamay habang naglalakad kami. Ilang saglit pa ay tumigil kami sa paglalakad. Narinig kong may bumakas na sa tingin ko ay pinto ng kanilang mansyon. Hinila niya ako at alam kong nakapasok na kami sa loob. "Dito ka lang muna baby boy,ha. Huwag mong tatanggalin ang piring mo hanggang 'di ko sinasabi," utos niya sa akin na sinagot ko na lang ng pagtango. Naramdaman kong binitawan niya ang aking kamay at narnig kong tumakbo siya. Alam kong may surpresa sila sa akin ayun na rin sa ginawa sa akin ni Kuya Owen. Ang tanong ko na lang ay ano k

