Stephanie's POV "Hija, tomorrow at ten we'll fly to Barcelona. It's time for you to see the branch of our office and know some whereabouts. After that we're going back to the Philippines." Sabi ni Mommy ng pumasok dito sa kwarto ko. Sa pagsasalita na narinig ko kay Mommy ay biglang nanumbalik ang mga ganap bago pa nangyari ang pagsubok sa buhay ko. Naging masigla ang pakiramdam ko, somehow na-miss ko ang Tagaytay, ang mga bata sa orphanage pati ang trabaho ko sa kumpanya. "Hija, masaya ka?" Tanong ni Mommy habang nakangiti na naluluha sa akin. Kunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mommy. Na-cu-curious ako. Bakit ano ba ang naging lagay ko ng mga nakaraang araw? Ang alam ko lang ay okay na ang lahat at wala akong trauma. Kung may kakaiba pa bukod doon ay hindi ko na alam. "Bakit Mommy? A

