Isaiah 43:4a "Since you are precious and honored in my sight, because I love you." ***** With Mature Content Stephanie Natapos ako sa aking paghuhugas ng kamay ngunit hindi pa ako makagalaw dahil sa pagkakalingkis ni Carl sa akin. Tinagilid ko ang aking ulo sa kaliwa ng nagsimula niyang halikan ang aking earlobe. Nakikiliti ako kaya kumapit ako sa gilid ng lababo para magsilbing lakas. Nakikita ko ang ginagawa niya sa salamin lalo na ang pang-amoy niya sa aking balat na tila may pabango ito sa kanya. Nagtagal ang halik niya sa aking balikat kasabay ng pagtayo ng aking mga balahibo. Nagbaling ako ng ulo sa kanan para hanapin ang bibig niya dahil parang tinutulak akong halikan siya. Nadadala ako sa init ng kanyang dila at itong katawan ko ay nagsimula ng mag-init. Nilabanan ko ang

