Stephanie's POV Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Daddy. Sinagot niya agad ang tawag habang tahimik kaming nakikinig ni Mommy sa kanilang usapan. Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Daddy habang kausap ang nasa kabilang linya. Matapos siyang nakipag-usap sa cellphone ay binalingan kami ni Mommy. "Mommy, dadalaw daw ang mag-asawang Villaverde rito ng alas-otso." "That's good,Daddy. Better we order food tonight." Suhestiyon ni Mommy. "Prepare yourself, hija, Carl's will come and visit you." Ani ni Daddy. "Yes, Daddy." Sabi ko habang nagpupunas ng tissue sa aking bibig dahil tapos na akong kumain. "Sila lang ba, Daddy, di kasama si Carl?" Tanong ni Mommy. Tahimik akong nakikinig sa kanilang pinag-usapan habang ini-i-spray ang alcohol sa aking mga kamay. Tiningnan ko ang ekpresyo

