Carl's POV Hindi ko na sinundan pa ang pag-chat ko kay Stephanie dahil alam kong abala ito sa negosyo na siyang dahilan kung bakit nasa ibang bansa silang pamilya. Isang linggo ang pagtitiis ko na hindi nakita si Stephanie. Mas maganda na makita ko siya kaysa text, tawag at ano pa man. Ito na naman sumasagi na naman ang nakaraan ko dahil d'yan sa mga ganyan eh. Nalaman ko silang dumating ng tinawagan ako ni Mr. Alonzo para sa resume ng aking trabaho bilang bodyguard ng aking mahal. Hindi nga ako mapakali noon dahil masaya ang puso ko. Maaga akong nagpunta sa condo unit ni Stephanie para sunduin siya. Ako ang nagbukas ng pinto dahil hindi ko na siya mahintay na pagbuksan ako ng pinto. Nagulat siya ng nakita ako at hindi ko 'yon pinansin basta pinagtuunan ko ng pansin ay ang makita siya

