Chapter 3: The New Job

2072 Words
Carl's POV Bumangon ako ng maaga para magjogging upang maibalik ang sigla ng katawan ko. Kinakailangan ko ng mag-move on kaya bahagi ito ng aking gagawin. Palabas pa lang ako ng bakuran ng makasalubong ko si Daddy na pabalik na sa bahay galing ng ehersisyo. Tinapik ako sa balikat ng makasalubong ako sa tapat ng mismong tarangkahan. Gumaan pa ang pakiramdam ko ng nakalanghap ako ng sariwang hangin.Nagsimula na akong tumakbo ng dahan-dahan. Nakaabot na ako ng sampung kilometro at pabalik na ako sa aking pinanggalingan. Marami akong nakasalubong na nag-eehersisyo. Isang grupo ng kababaihan ang nabungaran ko ng makabalik na ako. Nagulat ako ng marinig ko ang kanilang sigawan. Hindi ko ito pinansin dahil alam ko na kinikilig sila. Ganito lagi ang eksena kapag ginagawa namin nung nasa serbisyo pa ako. Dumiretso ako sa kuwarto ko para makaligo na. Pagkabihis ko lumabas na ako at diretso sa kusina. Saktong nakahain na ang hapag, mabilis akong umupo upang kumain. Kasabay ko ang mga magulang ko. Dalawa kaming magkapatid, nasa Dubai ang kapatid ko na nagtatrabaho bilang Engineer. Minsan sa isang taon ito umuuwi, minsan inaabot pa ng dalawang taon. Nakatuon ako sa pagkain ko ng nagsalita si Daddy. Pansamantala akong tumingin sa kanya bago yumuko at magsubo ng pagkain ko. "Pagkatapos mo kumain, puntahan mo ako sa Office ko," sabi ng Daddy ko. "Let talk about you!" "Yes, Daddy, I will come." Kumakain kami na ako lang ang tahimik. Nagkukuwentuhan ang magulang ko tungkol sa kumpadre nila na taga rito rin sa Tagaytay. Isang matagumpay na businessman, bagamat doctor silang mag-asawa ay namamayagpag sa buong mundo ang kanilang negosyo dahil kilala ang produkto nila pagdating sa social media platforms. Madalas ko marinig ang kuwentong ito kay Daddy, pero hindi ako nagtatanong kung sino sa mga kumpadre nito dahil halos mayayamang negosyante naman ang kanyang mga kaibigan. Nauna akong natapos kumain, hawak ko ang tasa ng kape ko. Napagdesisyunan kong duon muna ako sa gazebo sa gitna ng hardin. Magpapalipas pa ako ng oras bago pumasok sa office ni Daddy. Naisip ko kung ano naman ba ang pag-uusapan namin? Kapag umuuwi ako laging may Proposal Job na dumadating sa akin. Nag-iimbita ng panibagong trabaho. Ganito sa akin si Daddy maraming inooffer sa kanya pagdating sa propesyon ko. Alam ko na ito, kilala ang pamilya namin dahil sa mga karangalan na nakamit ko ng pitong taon. Pagkatapos ng trenta minutos tumayo na ako, dumaan pa ako sa kusina para hugasan ang tasa ko. Nang matapat ako sa pinto ng opisina ni Daddy kinatok ko ito. Nagsalita ang tao sa loob na bukas ito. Binuksan ko at bumungad sa akin si Daddy na naghihintay na sa akin. Nagtungo ako sa may couch samantalang nakaupo si Daddy sa kanyang swivel chair. Sapat para magkarinigan kami sa aming pag-uusap. Umagaw ng attention ko ang isang folder na nakapatong sa may center table. "Open that folder," pagtuturo ni Daddy sa center table. Nakita ko si Daddy na tumayo, tumalikod sa gawi ko at nakaharap sa may billiard table. Kinuha ko ang folder saka ko binuksan. Tama ako Proposal Job na naman ito. Binasa ko ito at inintindi ang nilalaman. "Kumpleto na ang detalye.Lahat ng gusto mong tanungin,may sagot na diyan. Desisyon mo na lang ang kulang," mahabang salita ni Daddy. Hindi ako agad nakapagsalita dahil nakita ko na naglalaro si Daddy ng billiards dahil meron siya dito sa maluwang na opisina niya. Tumayo ako at sinabayan si Daddy sa kanyang paglalaro. Nagkatuwaan kaming mag-ama dahil sa pustahan. Pansamantalang nakalimutan namin ang pinag-uusapan kanina. Hanggang sa napagod kami sa kakatawa dahil ayaw namin magpatalo sa isa't-isa. Nagpapahinga kami ng nagsalita ako. Di ko na kailangan pag-isipan ang proposal. Tumingin lang sa akin si Daddy, malamang alam na niya ang sagot ko. Pero hinihintay lang na lumabas mismo sa mga bibig ko. "Sige, Daddy, tinatanggap ko ang bagong trabaho,magsisimula na ako sa lunes." "Good!" mabilis na sagot niya sa sinabi ko. Lumabas na ako ng opisina ni Daddy. Sa mga araw na natitira,gagamitin ko para gumala at makipagkita sa mga kaibigan ko rito bago ulit magsimula sa trabaho. Lumabas ako ng bahay para maka unwind muna dito sa sariwa ng hangin at maaliwalas na kapaligiran. Naalala ko lahat ng masasayang araw ko rito lalo pa ng estudyante pa ako. Mga nagawa ko kasama ang tropa. Sadya nga namang marami akong nakaligtaan sa buhay ko. Pansamantala ko silang ibabalik ngayon habang nandito ako.Pumunta ako ng basketball court dito sa mismong bayan.Alam ko na maraming tao ang nanunuod ng palaro. Makikipaglaro ako ng basketball dahil ito ang pinakapaborito kong laro. Tiyak maraming matutuwa dito dahil isa ako sa batikan sa bayan namin hindi naman sa pinagyayabang. Hiyawan ang mga nanunuod ng palaro,marami na naman ang nagpupustahan.Mga kabataan ang mga kasama ko dahil sa ganitong oras nasa trabaho pa lang ang mga ibang kalalakihan. Naglaro ako sa ikalawang pagkakataon. Panalo ulit ang grupo ko.Masayang-masaya ang mga nanunuod. Kanina kunti lang ang tao ngayon dumami na. Sila na ang mga nagsipustahan sa kapwa manunuod.Pamiryenda lang naman ang kasiyahan nila. Ginanahan ako sa paglalaro ng basketball lalo pa't marami ang nanunuod. Natapos kami ng alas-nuwebe na ng gabi. Sa paglipas ng araw nagpapakapagod ako. Kapag umuuwi ako kain at tulog lang ang ginagawa ko. Inaliw ko ang sarili ko,binigyan ko ng oras ang mga bagay na nagpapasaya sa akin.Ginawa kong kapaki-pakinabang ang bawat kilos ko. Nagtagumpay ang utak hindi ang puso ko.Mas lalo kong binuksan ang kaisipan ko na ang lahat ng pangyayari ay isang nakaraan na lamang. Nagmamadali akong makauwi sa bahay dahil may dinner kami kasama ang pamilya ng paglilingkuran ko. Ito ang pamilya na kaibigan ni Daddy na nakita ko sa proposal. Pagdating ko ng bahay nakabihis na sila Mommy at Daddy. Kasalukuyang nanunuod ng TV sa may sala. Pagkatapos ko bumati sa kanila, umakyat na ako ng kwarto. Natataranta akong naligo at nagbihis. Nakasuot ako ng jeans na kulay blue,pareho ng kulay sa suot kong polo na nakatupi hanggang siko. Black leather shoes sa pangpaa ko na kakulay ng belt ko. Madali lang ayusin ang buhok ko di na kailangan ng suklay dahil army cut ito. Nag-ispray ako ng pabango saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto. Pagbaba ko ng hagdan wala na ang magulang ko dahil nasa sasakyan na sila. Mabilis akong nagtungo sa kotse. Ako ang nagdrive patungo sa Venue. Wala pang trenta minutos ng nakarating kami agad. Mabilis ang kilos namin at narito na kami sa isang restaurant. Malapit ito sa may view point, maliwanag na nakikita ang Taal Volcano sa pamamagitan ng mga ilaw. Full moon ngayon at nagkikislapan ang mga bituin.Pagkarating namin sa isang lamesa may tatlong katao na nakaupo at duon kami patungo. Nang makita kami tumayo ang mag-asawa na mas bata sa edad ng magulang ko. Nagkamayan at beso-beso sila.Tumayo naman ang isang dalaga upang makipagkamay kay Daddy at beso kay Mommy. Laking gulat ko ng makilala ko. Siya ang babaeng nakita ko sa hospital sa Manila na kung makatitig ay wagas. Maging siya ay nagulat din siguro ay namukhaan ako. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan ngunit mabilis ding nakabawi. Ngumiti ito sa akin pero nakipagkamayan lang ako sa kanilang tatlo. Nagsipa-upo na kami, ang set-up ng upuan namin ay magkatapat kami kay Stephanie. Maganda ito, maputi at halatang inosente sa lahat ng bagay na ngayon ko lang nahalata. Sa hospital nuong nakita ko siya ay hindi ko matitigan dahil sa abala ang aking isipan. Ngumiti sa akin ulit pero hindi ko sinuklian ang kanyang pagngiti, hanggang sa yumuko siya at inabala na lang ang sarili sa cellphone. Ako ang magiging body guard niya? Siya ang magiging amo ko? Tanong ko sa aking isipan. "What a small world!" Hindi ko sukat akalain na siya pala ang anak ng kumpare ni Daddy. Siya pala si Stephanie Alonzo. Hindi ko man lang inabala ang aking sarili upang tingnan ng maayos ang litrato niya sa Job Proposal. So ito na orientation na agad ang nangyari sa akin. Imagine dinner ito kasama na ang trabaho. Nakipagkamay ulit si Stephanie sa akin at malugod ko naman itong tinanggap. Malambot ang kanyang mga kamay na dinapuan ng aking palad. Tahimik kaming dalawa habang nag-uusap pa rin ang kapwa naming magulang. "Pwede ba tayong magpicture?" malambing na boses ang narinig ko. "Sige hija," sagot naman ng mga magulang namin. Para makuha kaming lahat ay tumabi sa akin si Stephanie na halos magkadikit na ng aming mga braso. Nakita ko sa screen ng cellphone niya ang napakatamis niyang ngiti. Samantalang seryoso naman akong nakatingin. Ako lang ang hindi nakangiti sa camera samantalang masaya ang aking mga magulang. "Thank you," iyan ang narinig ko pagkatapos namin nagpicture. Pagkatapos ng dinner nauna na kaming umuwi. Kahit sabado pa lang bukas inayos ko ang mga importanteng gamit ko dahil linggo ng gabi ang biyahe namin pa Manila. Makakauwi na ako sa condo ko bago ko masimulan ang trabaho. Nagpalit na ako ng pantulog saka ako nahiga at tuluyan ng nakatulog. Maalala ko may laro pa kami ng basketball ngayong umaga kaso inuutusan ako ng Daddy ko na ako raw ang maghahatid ng mga relief goods sa Alonzo Charity. Sumingkit ang aking mga mata pagkabasa ko na naman sa apelyedo nila. Masunurin akong anak kaya dinala ko ito at para may malaman rin ako dahil hindi ako updated ang tungkol sa mga naganap dito sa Tagaytay. Nang makarating ako sa office nila, sinalubong ako ng isang staff. Nagpakilala ako na ako ang anak ng isang Sponsor ang Villaverde Family. Busy ang lahat na nakikita ko, nakaputi sila ng damit pang-itaas. Karamihan nakashorts at nakasuot ng sports shoes. May nakasulat sa harap ng damit na "FUN RUN." Di naman ako nainform sa programang ito marahil kalahok ako ngayon. Sabagay isang linggo pa naman akong nakauwi dito sa amin.Kaya wala talagang mag-iinform sa akin. Di bale sa susunod sasali ako at dapat malaman ko agad kapag may ganito na ulit. Naaliw ako sa mga nakikita ko kaya nag-obserba muna ako. Nahagip ang mata ko sa isang dilag na nakatalikod. Kapareha siya sa mga suot ng karamihan.Balingkinitan ang katawan at nakapulupot paitaas ang kanyang diretso at blondeng buhok. Maya-maya ay nilapitan siya ng lalaking matikas na kung di ako nagkakamali ay pareho sila ng edad. Pumila sila sa karamihan dahil magsisimula na ang programa. Nakashades silang dalawa kaya di ko makita ang buong mukha ng dalaga. Natulala ako ng inalis nung dalaga ang kanyang shades, si Stephanie iyon at iba ang ayos nito ngayon natural ang kanyang ganda. Nakita ko pa na nagpunas ng mukha bago isinuot muli ang shades. Nagsitakbuhan ang lahat ng kalahok. Dumaan pa sila sa harap ko na hindi ako napapansin. Sa di kalayuan ay natanaw ko si Mister Alonzo. Nakita ako niya ako at siya na mismo ang lumapit sa akin. "Narito ka pala hijo?" "I came here to bring the relief goods for the Charity." "Alam ko hijo, dahil tumawag sa akin si kumpare bago ka pa makarating dito. Halika sa loob magmiryenda ka muna," pagyaya niya sa akin. Tumango ako sa kanya saka sumama sa loob. Naabutan ko naman si Misis Alonzo na kasalukuyang nag-aayos ng mga donasyon kasama na ang dala ko. Nang makita ako ay ngumiti siya sa akin saka nagpasalamat. Narinig ko na lamang na ang kalahati ay mapupunta sa Orphanage. Habang nakikinig kay Misis Alonzo sa mga sinasabi nito, nakita ko ang mga juice at slices ng cake sa center table. Magkakasabay namin kinain at ininom ang nakalapag na miryenda. Nagsalita si Mr. Alonzo na diretso ang tingin sa akin. Naghintay naman ako ng kanyang sasabihin. "Dahil magiging bodyguard ka na ng anak namin, makakasama ka na sa iba't-ibang activities ng charity hijo. Kung sana mas nauna ka nakauwi bago ang FUN RUN, marahil magkasama kayo ng anak namin. Buti na lang andiyan si Brandon na pinagkakatiwalaan namin. Si Steph ang nagdadala ng mga tulong sa Orpahanage kada Biyernes ng hapon at para makabonding ang mga bata duon. "Sigurado kami na kapag makita ka ng mga bata matutuwa sila dahil madagdagan ang tatawagin nilang kuya. Maeenjoy mo silang makasama lalo ang kakulitan nila. Kapag nanduon si Steph parang bata na rin na nakikipaghabulan sa kanila. Kaya naman itong isa binihuhos talaga ang panahon sa mga bata," ang mahabang kwento ni Mister Alonzo. Pagkatapos ng mahabang pag-uusap, nagpaalam na ako sa kanila. Inihatid naman ako ng mag-asawa sa labas. Pagkaalis ng sasakyan, nakita kong winagayway pa ang mag-asawa ang kanilang mga kamay. Diresto ang pagpatakbo ko hanggang makarating sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD