Stephanie's POV Hindi ako makatingin ng diretso kay Carl dahil sa kakaibang titig nito sa akin parang tagos sa aking kaluluwa. Kailan pa nagbago ang tingin niya sa akin? Ngayon ko lang napansin dahil ang una kong napansin ay ang kanyang pagbabago ng pakikitungo sa akin. Ramdam ko na nag-iinit ang aking mga pisngi pero hindi ako yumuko kundi ngumiti ng bahagya para mawala ang weird na ambiance sa pagitan naming dalawa. "You look tense," sabi ni Carl habang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nagbago na ang kanyang pagtingin sa akin hindi na gaya kanina na malalim at tumatagos sa aking kaluluwa. Huminga ako ng malalim at saka ako nagsalita. "Hindi naman. Siguro naiilang lang ako dahil first time natin na tayong dalawa sa dinner. Dati kasi ay kasama natin ang mga p

