Stephanie's POV Pinakalma ko ang aking sarili ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Mommy na pumasok sa kwarto na may mga dalang prutas at pagkain. "Hello, hija, gising ka na pala. How's your feeling right now?" Kunot ang noo ko sa tanong ni Mommy sa akin. Ng itaas ko ang aking kanang kamay ay may dextrose pala na nakakabit. Nabigla ako sa aking nakita. 'Mommy, am I in the hospital?" "Yes, hija, Carl brought you here. The doctor found out that you are over fatigued. "Nasobrahan ka ng pagod, hija. Ang sipag-sipag talaga ng hija namin," pampalubag loob pa ni Mommy. "Maayos ang pakiramdam ko, Mommy,pero ang katawan ko sobrang mahina," sabi ko. "Pwede ka na raw lumabas sabi ng doctor. Doon mo na lang sa bahay ituloy ang iyong pamamahinga. Matulog lang ang gagawin mo, hija, para m

