Stephanie's POV Naiinis na ako dito ah, ano ba naman kasi! Kinidnap pa ako kung ganito naman ang buhay ko dito. Nakakulong sa maliit na kwarto na ito. Huminto ako sa aking pag kainip ng maalala na naman ang pera na hinihingi kay Daddy, ang five hundred million. Is there anyway para hindi matuloy ang deal nila kay Daddy? "Daddy, please huwag kang pumayag na mawawala lang 'yang malaking halaga dahil nakidnap lang ako. " Pakiusap ko kay Daddy sa isip ko. Nasasayangan ako sa pera kung mapunta lang sa taong kumidnap sa akin. Sa Charity nga nag-do-donate ang mga tao doon para sa mahirap at mga bata sa orphanage samantalang ang taong ito gano'n lang siya humingi ng pera na ako ang dahilan niya! Dahil sa kakaisip sa pera na ibibigay ni Daddy sa kidnapper ay napagod ang isip ko kaya sumabay

