Stephanie's POV Agad kong iminulat ang mga mata ko at mas nagulat ako dahil maliit lang ang pagitan ng matigas na pader at mukha ko. Nag-buntong hininga ako para maibsan ang panginginig ng katawan ko. Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang boses mula sa likuran ko. Nakataas ang kilay ko nang makilala ko ang boses ng may-ari, si Brandon pala ang tumulong sa akin. "Brandon!" Wika ko at agad akong napalingon sa kanya na kasalukuyang hawak ang swivel chair na kinauupuan ko. "Oo ako nga. Nakita kitang lumabas ng kwarto mo na nakaupo sa swivel chair, kaso ang bilis ng galaw ng katawan mo kaya ayun gumalaw yung swivel chair. It's to think it's wheeled. Diretso ang swivel chair, lumampas ka sa elevator." Mahabang kwento niya. "Nawala ako sa sarili ko," naluluhang sabi ko. "Okay ka la

