Carl's POV Tumalikod ako pagkatapos ko nagpasalamat sa billing section at nagtungo ako sa kwarto ni Lorenz. Nakatulog pa siya ngunit may benda ang ulo at maging ibang parte ng kanyang katawan. Umupo ako sa isang mahabang upuan sa gilid ng kama habang tinitingnan siya. Umiling ako dahil alam kong biktima lamang siya ng na kahit walang kasalanan kapag gustong saktan ay basta na lang sinasaktan. Lumapit ako sa tabi ni Lorenz, nagulat ako ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo ako at hinanap sa katawan nito. Nakapa ko ito sa loob ng bulsa ng pantalon na nasa harap nakatago. Nang nakuha ko ay sakto naman itong namatay kaya binaba ko sa bed side table habang hinihintay ang pagtunog muli. May password ang cellphone niya kaya hindi ko mabuksan. Bigla na lang ako humikab na tanda n

